Truth

23 3 0
                                    

Nasa harapan ko ngayon ang nanay ko.
Kay tagal ko na hindi siya nakita.
Nayakap
Nakasama.

Malamig ko lang siyang tinignan. Puro lang galit ang nararamdaman ko sa kanya.

“May gusto ka daw malaman sabi nang tatay mo..” sabi niya lang. Para siyang robot na walang emosyon. Si dad ay nasa kusina at nagtitimpla nang juice.

“You already know kung ano yun.” Masungit ko lang na sagot sa kanya. Lumabas na si dad mula sa kusina at nilapag ang mga inumin.

Tumabi sa akin si dad.
Walang nagsasalita samin. Nagtitinginan lang kami.
Isang pamilyang wala nang pag asa pa na mabuo.

“We are in danger” panimula ko. Nabahala naman ang mukha niya.
“What do you mean?”

“Nabaril ang kaibigan niya nung nag field trip sila. Hula niya, dahil sa pinsan niyang si Lawrence, na ngayon ay di makita kung nasaan. Hindi ko rin makontak si Louise kung nasaan ang anak niya..” explain ni dad. Mahinahon lamang siya. Naikwento ko din sa kanya ang nangyayare samin.

“Louise is now in England, lumalayo siya kay Falcon. And that kid Lawrence.. Im afraid , he will be the next leader of Gonzalve Mafia.” Sabi nang nanay ko na parang nagkwento nang isang simpleng story telling.

“So you mean, mag isa lang ang bata na yun dito Lara?” medyo nagagalit na tono nang tatay ko. No one but Lawrence lived on that , big house? Is he even okay?!

That’s.. lonely..


“Yes, he is living alone Carl, well, mula bata pa siya. I don’t know the entire story but the kid is not normal. Katulad siya nang tatay niya na si Falcon. And Louise don’t know that Lawrence is here..” sagot lang nang nanay ko. Ano?!

ANong klaseng ina ang walang alam kung nasaan na ang anak niya?! Seryoso ba to.

“Is she even a mother huh?! Ganyan ba sa mafia ninyo?! Na puro pera ang laman nang mga utak?! Cant you all see, how Lawrence looks so pity?! Napalaki ba siya nang tama! I cant believe this!!!” bumigay na ako sa lahat nang nalalaman ko.

May mga konsensya ba sila?
Sariling anak, pinapabayaan na mabuhay mag isa?!
Ano yun!
Hindi man lang siya ginabayan.
At naramdaman ang pagmamahal nang isang magulang?!
And now, they’ll use him because of that fckng illegal organizations?!

“Cassa..” awat sakin ni dad. Tumigil naman ako at nagkukuyom ang palad ko sa galit at pagkaawa sa pinsan ko.

“Louise raped by Falcon. It is a fixed marriage. Hindi ko siya masisisi if inabandona niya si Lawrence since nung niluwal niya. And I don’t expect Falcon to love or care a bit with his own child. He is no soul anyways.” Sabi niya na nakatitig lang sakin.

NApailing ako sa istorya nang pamilya ni Law.

HE didn’t deserve such life! Those emotionless eyes suits a very lively stare. That face suits a wide smile.
Nangingilid ang mga luha ko dahil sa narinig.

“So napilitan ka din na iluwal ako ganun ba? You are like those lunatics na iiwan ka lang sa ere pag nagkagipitan na. Those greedy and cruel people?! You don’t deserve any!!! You don’t!!!” Tuluyan na akong lumuha.
“C-cassa! Humihanon ka anak!” agad ako niyakap ni dad at sumubsob lang ako sa dibdib niya. Hinaplos niya naman ang ulo ko. “tahan na..” pasinok sinok ako. Lalo akong naiyak.

“No, Cassandra. You are the most beautiful thing happen to me. And giving birth on you is the happiest day of my life.. “

NApatigil ako sa pagsinok. Pero hindi ko pa rin tinanggal ang yakap sa tatay ko. Ayaw ko siya tignan. Ayaw ko maniwala sa sinabi niya. Ayaw ko maging uto uto na naman.

“Carl.. I think I need to go..”

“Sige..” sagot lang sa kanya na matamlay nang dad ko. Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya , hindi ko siya kaya tignan.
Dahil baka magmakaawa pa ako kung bakit iniwan niya kami. At ano ang dahilan niya.

Bigla naman ang ring ang phone ko.
It is from Elaine?

“Sino yan nak?” pagtataka nang tatay ko.

“Si Elaine, pinsan niya si Annie, yung nabaril..” sagot ko lang sa kanya. Inaccept call ko naman pagkatapos ang tawag ni Elaine. “Hello?”

“C-cassa! Y-you should go here! “ Natatarantang sabi kaagad sakin ni Elaine.
“Elaine?! What is happening?!” kinabahan ako sa tono nang pananalita niya. Rinig ko ang pag andar nang sasakyan niya. At ang malalalim niyang paghinga.

“Ranmaru… Ranmaru is with Lawrence and he’s been hurt..”

Doon na lumakas ang kabog nang puso ko. Ito na ang kinatatakutan ko sa lahat. Huli pa naman naming usap ay nag away kami.
Im so stupid that time. Been jealous on senseless things!

“What hurt Elaine! Tell me what happen!”
“Nakidnap siya at marami siyang sugat! I think tinorture siya nang mafia! Lawrence call me na nasakanya si Ran..”

“W-where the h*ll is that!!!” sinabi niya kaagad ang location kaya nagmadali ako na lumabas.

“A-anak anong nangyare?!” tanong sakin ni dad. Di ako makapag isip nang tama. Basta ang kailangan ko gawin ay makita si Ranmaru kung okay ba siya

“Si Ranmaru Dad!!! Sinaktan siya nang mga mafia!!! I need to see him!!!” naiiyak kong sabi sa tatay ko.

“Kailangan kitang samahan! Delikado at anong oras na!” dumiretso siya sa garage at binalak na siya ang magdrive.
“Sasama ako. Ill check the situation.” Dagdag nang nanay ko. Tinignan ko lamang siya at pinabayaan na makasakay sa likuran.

WAlang iba akong iniisip ngayon ay si Ranmaru.
Sana di ko siya iniwan.
Sana di ko na lang siya inaway.

Sana kasama ko pa rin siya.




Elaine

“Hey there, little miss..” napahinto ako sa lalakeng napakatangkad na nakaabang sa may gate. Siya yung Kael Gonzalve.

“Where the h*ll is Ranmaru?! Anong ginawa niyo sa kanya!” mabilis akong naglakad at tiningala siya.

“Woah. Beware. I am warning you.” He just smirked devilishly.
Pero di pa din ako nagpatinag. Kahit sang batalyon pa ang dala dala niya ngayon, wala akong pakealam.

“I don’t give a flying fck anymore! Where are they!”
“Nasa loob baby! Chill okay. And dahil mabait ako, nagpadala pa ako nang private doctor para magamot ang mga sugat niya. Kaaalis lang niya by the way. “ sing sang niya pang sabi sakin. Hayup.

“May araw ka din sakin bakulaw!” sigaw ko sa kanya at nilagpasan siya. Tumawa naman siya nang malakas sa bulyaw ko.

“Ill wait for that, Baby girl.” Habol niya pang sigaw. Bwisit!!!

Malakas kong kinatok ang pinto. Bumukas naman kaagad yun.

MAtatamlay na mga mata ang sumalubong sakin. Maputla at lalong nangayayat siya.
Pero dahil sa galit ko, itinulak ko siya para tumabi.

“Nasaan si Ranmaru.” Kalmado pero pigil ko nang galit na pagkakasabi.

“Nasa pangalawang kwarto.”

PAgkapasok ko, nakaratay si Ranmaru.
May benda sa ulo niya, mga bandaid sa kaliwang mata at labi.
Nakatopless siya at short pero nababalutan halos ang dibdib niya nang benda.
Pati ang kanyanh dalawang braso at kanang legs.

AT may mga malalaking bandaid na nakalagay sa ibat ibang parte niya pa.

“A-anong ginawa niyo kay Ranmaru! What the h*ll is this Lawrence!!” sigaw ko at napatakip ako nang bibig. Bugbog ang hitsura ni Ranmaru. Paano nila nagawa to sa isang taong walang kalaban laban.

“Hindi ko alam..”

“PALAGI KA NA LANG WALANG ALAM! PTNGNA NAMAN LAWRENCE , AKALA KO BA TATANTANAN MO NA KAMI. PERO BAKIT GINANITO NILA SI RANMARU!”

“Hindi ko nga sabi alam! Wala akong ginagawang mali! Hindi ko kasalanan ang nangyare kay Ranmaru!” sigaw niya din sakin.

“What are you Lawrence! Sinaktan nila yung bestfriend mo! And you are just standing there doing nothing ?! Anong klase kang kaibigan. Did you really treat Ranmaru as a friend hah! Or you don’t care a little in the first place! Tell me!!!” nang gagalaiti ko na na sabi. Una pinsan ko, ngayon naman ito?! Papaano ba titino ang mga araw ko hah.


“Fine! I AM A LUNATIC AND I DON’T CARE ABOUT YOU ALL. MASAYA KA NA BA?!” sigaw niya lang sakin.

SInaksak ata ako nang ilang libo.
Binaril nang paulit ulit.

Iniling ko ang ulo ko.
Di ako makapaniwala na wala lang lahat nang yun?

“RANMARU----” agad ko narinig ang sigaw ni Cassa. Nandoon siya kasama ang dalawang tao.

Pamilyar ang isa, alam ko tatay niya yun.
Yung isa ay di ko kilala, pero kahawig ni Cassa, maaaring ito ang nanay niya na iniwan sila..


“Oh my god! A-anong nangyare kay Ranmaru! R-ranmaru?” lumapit nang mabilis si Cassa sa kama at dahan dahan hinawakan ang mga pisngi. Nagtuluan kaagad ang kanyanh luha. “bakit… bakit si Ranmaru… why…”
“C-cassa..”hinagod ko ang likod niya. Hindi magkandaugaga siya sa pagiyak .


“Lawrence, what mess is this?” nagsalita yung babaeng kasama ni Cassa.

“Tita..”

Tama nga, siya ang nanay ni Cassa.
Doon ko lang narealize ang koneksyon ni Cassa kay Lawrence. Pinsan niya pala ito sa mother side.

“Gonzalve is just playing..” sagot lang sa kanya ni Lawrence.

ANong playing pinagsasabi niya.
Mukha bang play ang nangyayare.

Lumisan nang walang sabi sabi si Lawrence pagkatapos nun kaya agad ko siya sinundan.

May van na nakahanda na sa labas. At nakabukas na yun para pumasok siya.

“Lawrence! Di pa ako tapos sayo!!!”

Nilingon niya ako.

AT di ko inasahan ang pagbibigay niya nang sinserong ngiti sakin..

“I am sorry. I don’t know if I will ever escape from this h*llhole.”


Lawrence…


“I guess this is the end…”


No..

Why?


May luha na pumatak sa kanan niyang mata.


“See you again Elaine… “


No.


“I love you..”




Lawrence.

Hindi nagawa nang mga paa ko na lumapit at hilahin siya mula sa van na yun


Hilahin siya mula sa impyerno na pilit pala niyang tinatakasan..
At galit ang pinairal ko kaysa intindihin siya..




My Psychotic CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon