Spy

36 2 2
                                    

Nawawala na nang lasa ang bubblegum na nginunguya ko. Pagkatapos ibalita sakin ni Dace na pinaghihinalaan nang mga kaibigan niya na psycho ang Lawrence Val Falcon na yun.

Agad niya pina imbestiga sakin si Mod Reyes.

Talagang gulat na gulat ako na artista ang hayup.
Medyo natuwa ako dahil isang sikat na artista ang naka make out ko.

Pagkatapos niyang mawalan nang malay dahil inaapoy siya nang lagnat.
Hassle sakin ang nangyari dahil hindi naman pwedeng alagaan ko siya. Gustuhin ko man pero isa siya sa mga suspect.

MAaari kasing psycho din siya. O kung ano pa man ang meron siya.
Walang kahit anong info meron siya since artista siya.

GUmagawa nang paraan ngayon si Dace sa intelligence para kilalanin ang mga taong to at ang mga kakilala nila.

At lalo na dito sa bahay na binisita niya.

Kimberly Faustino..

Pumunta siya sa isang subdivision at bumaba siya saglit, nakasalubong niya pa si Elaine pero agad siyang bumalik sa kanyang kotse.
Pagkatapos dumiretso na siya dito sa bahay na to..

Napasilip ako sa pader na pinagtataguan ko, at lumabas na si Mod sa bahay na .. umiiyak?

MAbilis lang siya na sumakay sa sasakyan niya at pinaandar ito.

Kaya agad ako sumakay nang motor para sundan to.

EX ba niya ang babaeng yun? Ano siya sa buhay ni Mod. At sino ba talaga si Mod sa buhay ni Lawrence?




Pumunta siya sa isang bar, nakasuot siya nang hoodie, at may makapal siyang nerd glasses, at medyo tinted pa ito.

Pero kahit anong gawin niyang disguise, gwapo pa rin siya tignan.
Hindi mo makikilalang siya ang artistang si Mod, dahil na din sa dilim at balot na balot niyang damit.

Umorder lang siya sa bartender at naginom na ito, walang pumapansin sa kanya na babae marahil sa suot o dahil katabi ko siya sa di kalayuan.

Kilala ako sa pagiging basag ulo na babae. Isang playgirl. Kahit lalake takot sakin, dahil ako ang palaging nagfifirst move, kaya maswerte ka kung lalapitan kita.

PEro ginagawa ko tong panakip sa tunay kong katauhan. Isa akong courier, sinusunod ko ang lahat nang ipagawa sakin nang kliyente ko. Basta wag lang yung mga bagay na talaga namang ikakakulong ko. O papatay ako.

AT ang client ko sa ngayon ay ang president na si Dace. Matagal ko naman na siyang suki dahil sa organization kung saan siya kasapi.

MAlaking pera ang binibigay niya.

KAsi naman, mga psycho ang mga iniispy ko.
Sa dami na nang nakasalamuha ko, at mga pagpapanggap ko, halos lahat nang psycho ay mga bayolente, mapagpanggap nang katauhan, at mga sinungaling na tunay. Minsan na din ako nakakita nang isang psycho na kriminal. Hindi ko masikmura at hindi rin na rin namin pinipilit pa sagipin ang ganung mga klase.

Wala na din namang pag asa pa.
Baka ikaw na kasi ang mamatay kapag pinilit mo pa.

Nakalumbaba lang ako at tinitignan ang lalakeng sunod ang paginom.

Kausapin ko na kaya siya?

Hindi ko na hihintayin pa ang intelligence ni Dace.

Saka trip ko din naman ang isang to. Malamang. Isa tong artista. Malaking isda din to kung tutuusin.

NAglakad na ako para umupo sa kalapit niyang upuan. At inutusan ang bartender.

PAglingon ko sa kanya, nakatingin na siya sakin.

PEro nabigla ako sa malapad na ngiti na binigay niya.

“Hilda, ikaw pala.” Halos mawala na ang mata niya sa kanyang pag ngiti. Para siyang bata na nakakita nang isang kaibigan.

“Haha cheers!” tinaas niya ang kanyang shot para mag cheers kaya sinakyan ko na lang.

Mukhang may tama na sya.
Sobrang hard pa ang napili niyang inumin. Kawawa to bukas. Mamamatay siya sa hangover.


“Kamusta?” bati ko sa kanya. Sabay inom nang alak ko.

“Ahaha, kamusta ang crush ko?” hindi nawawala ang ngiti niya. At hindi ako bato para hindi kiligin sa sinabi niya.

Well, lasing siya.

“A-ayos lang.”

“Ako kasi hindi..” lumumbaba siya at pinikit ang kanyang mga mata. At medyo nakanguso ang mga labi niya.

“Bakit?”

SEryoso akong nakatingin sa kanya. I can feel some confession will happen here about Lawrence.

“Hindi ako okay! Sa ginawa mong pang gagahasa sakin!”

Napatingin ang bartender samin, pero agad naman siya bumalik sa ginagawa niya.

Buti na lang maingay ang speaker, kung hindi mapapatay ko nang di oras ang lalakeng to.

“Hey!” saway ko sa kanya. “you are drunk.” Wala akong mapapala sa taong to.

“W-wala pang .. hik.. wala pang nang rape----” agad ko tinakpan ang bibig niya.

“”You fcking shut up!”

TInanggal naman niya ang kamay ko at sumimangot siya lalo.

MY ghad. That’s cute.

Cute siya kahit ang laki niyang tao.

“Alam mo bang----”

Agad ko siya hinila nang malakas. “let’s get outta here!” inilabas ko siya sa bar

Baka gumawa pa sya nang iskandalo dahil sa make out na yun

Pisti , pinagbintangan pa niya akong rapist.

Wala pang lalake na nagsabi sakin na nirape after ko gawin sa kanila yun.

“Where the h*ll is your key?”
aGad ko kinapa ang mga bulsa niya.

“Ayan ka na naman! Nang mamanyak ka na naman sakin!!” mahigpit ko pa rin siyang hawak. Agad ko siya tinulak sa passenger pagkabukas nang kotse niya.

At sumakay na ako sa drivers seat. “iinom inom, hindi naman kaya.”

“Y-you shouldn’t do that! I used to be rape back then!!!!”

NApatigil ako sa sinabi niya.
Hindi ko natuloy ang pagpapaandar nang makina.

Nilingon ko siya na may salubong ang mga kilay..

Used to?

“What do you mean?”

NApahawak siya sa dashboard sa sobrang kalasingan, at napasubsob pa siya dito at mga ilang seconds siyang ganun ang hitsura.

“Tsk, umayos ka nga nanh upo!” hinila ko siya at pinasandal. Kinabit ko ang seatbelt para di siya payuko yuko.

Nakasandal siya at nakapikit ang mata. Magulo na ang kanyang buhok. Walwal na walwal si kuya.

Nababahala ako sa sinabi niya. Oo lasing siya pero anong ibig sabihin nun.

“N-narape ka na ? Literal?” paguusisa ko pa sa kanya.

BUmangon siya sa pagkakasandal. At minulat ang mga mata. Nakaharap lang siya sa windshield.

“You don’t know anything!” ngumuso siya pero pagharap niya sakin, nginitian niya ako. Napakaganda nang ngiti niya.

ANg gwapo gwapo niya.

Pero malungkot ang ngiting binigay niya.

“But it’s okay.. sanay na ako ahaha. Sanay na sanay na ako na hina harass. I- I – I’m ..” napayuko siya at maya maya nagtaas baba na ang balikat niya.

“H-hey a- are you crying?!”nataranta naman ako . The heck! Lasing na lasing na ata ang taong to at ngumawa na.


“Uwaaaaaaa, so ano ngayon ha?!!! Eh di wag!!! Ayaw ko rin sa kanya!!!! Oo na, hayup na ako hayup!!!”

What the fck!! Anong sinasabi niya?!
Nasasayang oras ko sa lalake na to.
Puro nonsense na ang ginagawa niya sa kalasingan!

Kailangan may mapala ako sa ginagawa ko dito!
“Tell me! Who is Kim and Lawrence?!”

“Sila?”

“Oo” mataman ko lang siya tinitignan. Papikit pikit lamg ang mata niya sa lango.

Tinignan niya lang ako nang may ngiti at nilagay niya lang ang hintuturo niya sa kanyang labi.

“Sshhhh, secret..”

Para akong nasamid doon.

ANg sexy nang ginawa niya.

MUkhang mararape ko nga to nang wala sa oras.

Hinampas ko ang kamay ko sa upuan at tinignan siya nang masama. “Sabihin mo kung sino sila!”

Kinagulat niya yun pero agad siyang ngumuso ule. Anak nang—bakit ba palagi nag papa cute ang isang to?!

“NO!!! BAWAL SABIHIN!!!” mabilis niya natanggal ang seatbelt at lumabas nang kotse.

“What the fck? Saan pupunta ang ampotsa.” Inis na inis ko na bulong. “HOY!!!”

Lumabas din ako para habulin siya.
I can’t believe na nakikipag habulan ako sa lasing! Tmgina talagaaaaaaa!!


“MODESTO POTANG—TUMIGIL KA SA PAGTAKBO!!!”


“NO NO NO NO!!!” panay sigaw niya lang.

Mas malala pa sa psycho ang isang to! Jumiyo, what in the world is this.
Mali ata na ito ang sinundan ko at hindi yung Lawrence! Pisti . Wala akong napapala sa kanya!

Konti na lang at mahahablot ko siya kaya tumalon ako para dambahin siya.

Ikinabagsak niya naman yun. “Fcking kid! Iuuwi na kitang gagu ka.”

“Ayoko pa Hilda pls!!!” pilit niya inaalis ang hawak ko sa kanya sa kanyang braso.

Nawawalan na ako nang pasensya sa isang to. Yung oras ko ginto tapos kung anu ano ginagawa nang isang to.

“ayoko muna sa bahay!!! Bumalik yung mga bangungot ko nung gahasain mo ko!!!”

“What the fck!! Hindi kita ginahasa!! That’s a makeout you fcking dumb*ss.” Sinamaan ko siya nang tingin. Ang panget pakinggan nang mga sinasabi niya.

“I-I know…”

Tinignan ko siya. Nakayuko ito at mahinang sinabi niya. Hinintay ko lang na may sabihin pa siya habang hinihila ko siya para maglakad.


“Naaalala ko lang na isa akong prosti sa underground noon..”

Gulat na gulat ako sa sinabi niya. Kaya napatigil ako sa paglalakad.

“Hanggang ngayon , paminsan minsan ko pang napapanaginipan yun, kami ni Lawrence.. kaya ayaw na samin ni Kimberly…” umiiyak siya at pinapahid niya nang kanyang kamay na parang bata.


Binitawan ko siya at hinawakan ang magkabila niyang balikat.

“What the h*ll are you talking about?! “

Tinignan niya ako na may luha pa din na tumutulo.
Nakakalunod ang mga matang nakatingin sakin.
Napakagwapo pa rin nito kahit walang wala na siya sa sarili niya at nagiging childish na ang asta niya.

“W-we didn’t do anything wrong Hilda. W-we.. “ hinawakan niya ang dibdib niya na sinisenyas sa sarili niya. “H-hindi ko gusto yun! Sinong gugustuhin na babuyin Hilda?” lalo pang nagsituluan ang mga luha niya.

Ramdam ko yung sakit at hapdi na gusto niya ipakita.



“But they blackmail us!!! Tinakot nila ang utak nang mga wala pang kamuwang muwang!!! They are fcking monsters!!! Gustong gusto ko na mamatay Hilda pero di ko kaya.. “ yumuko siya at talagang hindi na tumigil ang pagtulo nang mga luha niya. “ ang liit liit nang tingin ko sa sarili ko, maski ako diring diri, pero sinubukan ko pa din lumaban at umasang magiging normal ang buhay ko. Pero parang hindi na talaga..”

Pataas baba na ang balikat niya sa pag iyak.

DI ko napigilang hindi siya yakapin at haplusin ang kanyang buhok.

Nabigla ako sa pagganti niya nang yakap sakin.

“Gusto ko tulungan si Lawrence pero ayaw niya… hindi ko na alam ang gagawin Hilda..”

Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. “After what you said, sinong hindi tutulong sa katulad mo.” Ngumiti ako at determinadong alamin kung sino ang mga taong to.

PEro isa lang ang sigurado ako.

Hindi sila masasamang tao..

Sana tama ang hinala ko.


At hindi ako nahuhulog sa bitag nang isang psychopath..


My Psychotic CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon