KABANATA DALAWA

617 20 11
                                        

E R O S

     "Eros" bulong ng babae.



         NAGULAT si Eros sa kanyang nakita. Ang pagliparan ng mga puso sa paligid ng babae ay nagbibigay simbolo na tinamaan ito ng pana ng pagpapaibig.



         "Naku anong nangyari?" tanong ni Eros sa sarili.



          Tiningnan ni Eros ang lagayan ng kanyang pana na kung saan napagtanto niya na may isang kulang sa kanyang panang pampapaibig.



         "Anong gagawin ko? Nagkamali ako ng arrow." Tila naguguluhan na tanong ni Eros sa sarili.



         "Eros nasan ka?" Narinig ni Eros ang pagtawag sa kanya ng babae. Tila nagdadalawang-isip si Eos kung magpapakita o tatakas nalang.



          "Eros magpakita ka naman please oh. Love please lumabas ka na." sambit ulit na babae.



          Tila napipilitang bumaba sa puno si Eros. Lumakad siya papalapit sa babae.



          "Eros!" sigaw ng babae habang tumatakbo patungo sa kanyang pwesto.Niyakap siya ng babae ng sobrang higpit.



          "Ano ka ba naman Love, kung saan saan ka nagpupunta. Alam mo namang matatakutin ang girlfriend mo lalo sa  pag wala ka sa aking tabi. Huwag mo na ulit akong iiwanan mag-isa huh? Mahal kita Eros." Sambit ng lumuluhang babae.



          "Teka! Teka! Binibini nagkakamali ka! Hindi mo ako mahal! Nagkamali ako tinama ko sa'yong pana." Pigil ni Eros sa babae.



          Kumawala sa pagkakayakap ang babae at lumuluhang tumingin sa kanya.



          "Eros ano bang pinagsasasabi mo? Tigilan mo na please. Sinasaktan mo ako sa ginagawa mong pagtanggi sakin."



          Kinalas muli ni Eros ang yakap ng babae at galit na sinabing,



          "Ano ka ba Binibini! Sabing tigilan mo na ako! HINDI KITA MAHAL! At lalong HINDI KITA GIRLFRIEND!"



          "Bakit lagi mo nalang ako sinasaktan ng paulit -ulit Eros?" sambit ng babae sabay takbo palayo sa kanya.



          Tila nasaktan si Eros ng makitang tumatakbo ito habang lumuluha. Ano ka ba naman puso. Bakit ka nasasaktan? Sa isip ni Eros.



          Pinasawalang bahala nalang ni Eros ang sinabi ng babae at  naramdaman at umalis na sa lugar na iyon na litong-lito.

Cupid's Unwanted Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon