KABANATA PITO

273 10 3
                                        

E R I S



Hanggang  ngayon ay nakatitig pa rin ako sa lalaking nasa harapan ko. Nagtataka ako kung bakit ito nandito samantalang siya na mismo ang nagsabi kalimutan na namin ang isa't isa.



"Anong ginagawa mo dito? "



Nagkamot muna siya ng batok bago sumagot sa akin.



"Pwede mo ba muna akong papasukin,  anlamig kasi dito. "



Pagkasabi ni Eros sa akin nun ay saka ko lang napansin na umuulan pala. Pinapasok ko na siya sa loob ng bahay ay pinaupo sa sala.



"Gusto mo ba ng juice o tubig? " tanong ko sa kanya habang nakatayo pa rin.



Naiilang ako sa kanyang pagtingin sa akin.  Pilit kong iniiwasan na magtagpo ang aming mga mata.



"Ahmm huwag ka nang mag-abala.  Nandito ako kasi may importante tayong pupuntahan ngayon. "



Sandali akong natigilan sa kanyang sinabi pero hindi na rin nagsalita. 



"Ah ganun ba.  Saglit lang at ako'y magbibihis lang saglit. " Tumaas na ako sa aking kwarto.  Pinili kong magsuot nalang ng simpleng jeans at croptop na unicorn at sneakers.



 Nagpulbo ako dali-dali at piniling panatilihin na nakababa ang mahaba kong buhok. Nang masigurong maayos na ang aking itsura ay bumaba na ako.  Nakita ko siyang nakayo habang tinitingnan ang  mga pictures ko kasama ang aking pamilya na nakadisplay sa salas.



"Ehem"



Pag-aagaw ko ng pansin sa kanya.



"Sorry natagalan.Tara na? " aya ko sa kanya saka diretso sa may pintuan.  Bago kami umalis ay singurado ko muna na maayos na nakasara ang aming gate. Mabuti na ang mag-ingat kesa sa manakawan.



Nakita ko siyang sumakay sa kanyang sasakyan.  Sumunod ako sa kanya at binuksan ang pintuan sa backseat. 



"Bakit diyan ka sa likod?  Dito ka sa harap kasama ko.  Pinagmumukha mo naman akong driver mo. " utos sa akin ni Eros nang makita niya akong sasakay na sana sa kanyang sasakyan.



Sumunod na lang ako para wala ng away.  Pumunta ako sa passenger seat at umupo.  Sinuot ko na din ang aking seatbelt para safe.  Sinimulan na ni Eros ang pagdri-drive nang makita niya na okay na ako. Nakatingin lang ako sa bintana habang nasa byahe kami.  Hindi kami nag-uusap tanging ang radyo lang ang nagbibigay ng ingay sa loob ng sasakyan.



"My---- ay este Eros,  san ba tayo pupunta? "



Saglit siyang sumulyap sa akin bago sagutin ang aking tanong.



"Pupunta tayo sa IInc. para masolusyunan yang nararamdaman mo sa akin. " sagot niya habang diretso pa rin ang tingin sa daan.



NapaHUH na lang ako at naguluhan ako sa kanyang sinabi.  Ano ba ang problema niya sa aking nararamdaman? Anong aayusin?  Grrrr ang gulo niya talaga!



Hindi na lang ako ulit nagsalita. Tumingin na lang ulit ako sa bintana habang nakikinig sa musika. Habang tumatagal ay hindi ko na napigiling makatulog sa byahe.

Cupid's Unwanted Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon