KABANATA ANIM

281 11 3
                                        

E R I S

....One Month Later....



Isang buwan na ang nakalipas nang huli naming pagkikita ni Eros. Isang buwan na akong nagmumukmok sa aming bahay at isang buwan na rin akong nasasaktan.



Hindi kita mahal



Hmdi kita kilala



Hindi kita girlfriend



Paulit-ulit ko ito naririnig sa aking  isipan na  tila isang sirang plaka. Hindi ko pa rin tanggap lahat ng masasakit na salita na  sinabi  niya  sa akin.



Lord ano bang ginawa ko sa inyo?  Bakit niyo ako pinapahirapan?



Natatanong ko na lang sa aking sarili kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo ako pa yung biniyayaan ng matinding kamalasan.



Kamalasan sa kalusugan



Kamalasan sa pamilya



At lalong-lalo na



Kamalasan sa pag-ibig



Pero di ko naman masisisi si Lord kasi alam kong may plano siya para sa akin at alam ko din naman na hinding-hindi niya ako pababayaan because God is always there to guide and guard us.  God is always by our side through our best and worst moments in life. 



Nakahiga pa rin ako sa aking kama kasama ang aking pusa na puti. Kung nagtataka kayo kung bakit wala akong kasama sa bahay kasi matagal na silang wala. Limang taon na simula ng iwan nila ako.  Namatay ang mga magulang kasama ng panganay ko na kapatid dahil sa isang car accident. Halos di ko na nga makilala ang kanilang mga mukha. 



 Miss na miss ko na sila.  Hindi ko nanaman mapigilang umiyak.  Tuwing naaalala ko sila mas nararamdaman ko na mag-isa na lang talaga ako sa buhay. Ang mga kamag-anak ng magulang ko naman ay mga nasa ibang bansa kaya wala rin silbe kung makipagkomunikasyon pa sa kanila.



TOK     TOK.    TOK



Habang umiiyak ay narinig kong may kumakatok sa pintuan ng aming bahay. Kahit nagtataka ay pinunasan ko pa rin ang aking mukha at dali-daling nag-ayos at bumaba sa hagdan.



Tok    Tok     Tok



Lalo pang lumakas ang pagkatok.



"Sandali lang! Nanjan na! " sigaw ko habang binubuksan ang pinto.



"Ano pong maitutulong ko sa inyo? "



Nagulat ako nang makita ko ang taong nakatayo sa aking harapan. Halos malaglag ang panga ko sa aking nakikita. 




Anong ginagawa niya dito?



Cupid's Unwanted Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon