KABANATA LIMA

280 11 5
                                    

E R O S



Siya ang unang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa.



"Ano ba ang pag-uusapan natin My Loves?"tanong niya sa akin.



Sandali ang tumahimik at nagdalawang-isip kung itutuloy ko ang aking sasabihin.  Syempre as a Cupid alam kong masasaktan ko siya sa aking mga sasabihin sa kanya. Kaya nga ginawa si Cupid upang wala nang taong nasasaktan sa pag-ibig. 



Pero sa sitwasyon namin ni ano nga pangalan nito? Oh diba ang hirap ng sitwasyon namin. Hindi ko nga alam kung anong pangalan niya eh. Mahirap sabihin kung ano ba talaga ang nangyayari kasi nga diba AKSIDENTE YUN?!



Bumuntong-hininga ako bago magpasyang sagutin ang tanong niya.



"Tinatanong mo kung ano ang pag-uusapan natin? Yang My Loves My Loves mo at ang relasyong inaakala mong meron tayo. Ilang beses ko bang uulitin saiyo na hindi kita girlfriend at lalong hindi mo ako boyfriend!"sabi ko.



Nakita kong nasaktan siya sa aking sinabi. Nagkaroon ng konting tubig sa gilid ng kanyang mga mata. Unti-unting bumagsak ang kanyang mga luha.



I'm sorry  pero mali ang nararamdaman mo para sa akin.



Tinabunan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga palad at humikbi.



"Ano bang pinagsasasabi mo? Huwag mo nga akong lokohin. Alam kong mahal mo ako." Sabi niya habang humihikbi.



"Hindi kita niloloko babae. Ni hindi nga kita kilala. Unang beses lang kita nakita sa parke nung isang araw." Mahinahon kong sabi sa kanya habang nakatitig ng diretso sa kanyang mga mata.



"Ako si Eris Heart Valentine, hindi mo ba talaga ako kilala? Hindi mo ba ako natatandaan?" pakilala niya sa akin gamit ang mapaos-paos niyang boses.



Narinig ko siyang may binulong ngunit hindi ko ito maintindihan.



Tumitig ako sa kanya bago sumagot.



" Wala akong pakialam kung sino ka. Basta tandaan mo na tinulungan lang kita dahil sa awa.Bukas na bukas din umalis ka na sa pamamahay ko at kalimutan mong nagkita tayo. Kalimutan mo na rin ang nararamdaman mo sa akin."



Tumayo siya sa kanyang kinauupuan.



"Sige kung yan ang gusto mo, aalis na ako ngayon din. Salamat sa pagpapatuloy sa akin. Good Bye I love you Eros." Paalam niya sa akin.



Naglakad na si Eris patungo sa pintuan at lumabas nang may luha sa mga mata.



Napahilamos na lang ako sa aking mukha habang nakaupo sa aking sopa.

Cupid's Unwanted Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon