E R O S
Nagising ako dahil sa pagtatapik sa aking pisngi. Hinawi ko ang kamay at pilit na tumulog ulit. Sandaling nawala ang nangiistorbo sa aking tulog.
"HOY! BABAE! GISING NA! "
Napabalikwas na lang ako sa aking pagkakatulog. Tiningnan ko ng masama ang kung sino man ang nang-istorbo sa aking tulog. Hindi ba niya alam na ngayon lang ulit ako nakatikim ng mahabang tulog. Kasalanan kasi ng Ero-- wait saglit nga. Bigla akong natauhan at nakita ko ang mukha ni Eros na pilit pinipigilan ang tawa.
"Ano ka ba naman Eros kitang natutulog ang tao tapos nang-iistorbo ka" sambit ko habang nagkakamot ng pisngi.
"Well ako na nga ang nagmagandang loob na gisingin ka kesa iwanan kita dito. " sambit ni Eros habang nakangiti.
Sandali akong natigilan nang makita ko ang kanyang pagngiti. Aba once in a blue moon lang na ngumiti ang lalaki kaya lulubos-lubusin ko na. Sayang nga at hindi ko mapicturan. Ilang minuto pa akong nakatulala sa kanya nang biglang
*Pitikkkkkkkk*
"Aray naman! Huhu ano ka ba naman Eros bat mo ako pinitik sa noo, inaano ba kita? " sambit ko mangiyak-ngiyak na habang nakahawak sa noo kong pinitik niya.
"Para kang sira dyan na nakangiti. Alam ko naman na gwapo ako pero hindi mo naman dapat ipakalandakan."mahangin na sambit ni Eros habang may pahawi-hawi pa sa buhok.
"Pshh, kung hindi lang kita mahal hindi ako sasangayon. "
Biglang namula ang kanyang tenga at mukha nag sinabi ko yon sa kanya. Nagtaka na lang kung anong nangyayari sa kanya.
"Eros okay ka lang ba? Anong nangyayari sa'yo? Bakit ka namumula? " sambit ko sa kanya habang hinahawak-hawakan ang kanyang mukha.
"Lumayo ka nga sakin! Tara na nga bumaba na tayo. May kailangan pa tayong gawin."sambit niya sabay labas sa sasakyan.
"Tingnan mo yong lalaki na yon. Ako na nga ang concern, nagasungit pa din. " sambit ko nalang sabay baba na rin sa sasakyan.
NapaWOW ako sa aking nakita. Isang napakalaki at napakataas na establisyimento ang nasa harap ko ngayon. Marami akong nakikita na mga tao na nakasuot na pula at kulay rosal na mga damit. Nakita ko si Eros sa may entrance na may kausap na lalaki. Tumakbo ako sa kanyang direksyon nang bumangga ako sa isang tao. Tumalsik ako at napaaray na lang dahil sa aking pagbagsak.
"Sorry Binibini, hindi ko sinasadya" sambit nang nakabangga sa akin.
Nakita kong inabot niya sa akin ang kanyang kamay. Inabot ko ito at nagpatulong tumayo. Pinagpagan ko ang ang suot-suot na pantalon.
"Okay lang , ako naman ang may kasalanan" sambit ko habang patuloy pa rin sa pagpapagpag nang aking pantalon.
"Ako nga pala si Brent Shaun, ikaw anong pangalan mo magandang binibini? " tanong ng aking kaharap.
Tinaas ko ang aking paningin at tumitig sa bumangga sakin. Muntik na akong matumba nang makita ko ang mukha ng aking kaharap. Itim na kumikinang na buhok, maputing balat, matangkad at higit sa lahat kulay tsokolate na mata. Isa lang ang masasabi ko, Ang gwapo, malaGreek God ang kawapuhan.
"Ah binibini okay ka lang ba?"nag-aalalang sambit nito sa akin.
"Okay lang ako ang gwa-- ay este ako nga pala si Eris"sambit ko habang nakalahad ang aking kamay.
Tinanggap niya ang aking palad at tinaas-baba iyon. Naramdaman ko ang malambot niyang kamay sa aking palad. Hiniwalay ko na ang aking palad at ngumiti sa kanya.
"Sige pupunta na ako. Salamat pala sa tulong!"sambit ko habang kumakaway sa kanya. Nakita kong kumaway din siya pabalik sa akin. Napangiti na lang ako habang tumatakbo. Nakita ko si Eros na kausap pa rin ang lalaki kanina. Pumunta ako sa kanyang tabi.
"Hello po! Ako po si Eris, kaibig-an po ni Eros!"masigla kong sambit sa kausap ni Eros.
Sandaling natigil ang ang kanilang pag-uusap at natatawang tumingin sa akin ang lalaki.
"Siya ba ang tinutukoy mo na babae na napaibig mo Eros? " sambit ng lalaki habang nakatingin pa rin sa akin ng mataman.
"Ano pong sinasabi niyo? Eros sino siya? " tanong ko kay Eros na kasalukuyang nakakunot ang noo.
"Ako nga pala si Mr. Kim Crush hija at Welcome sa Inlove Incorparated! " sambit ni Mr. Kim.
Pero wait?! Ano ang ginagawa namin dito sa Inlove Incorporated?!?!
BINABASA MO ANG
Cupid's Unwanted Girlfriend
Short StoryWill Eris love Eros forever or she'll choose to give up? Will Eros love her back or she will stay as his Unwanted Girlfriend Eros and Eris Story.
