KABANATA LABING-ISA

324 10 3
                                    

Nagkagulo ang lahat sa nasaksihang aksidente ng dalawang sasakyan. Maraming natakot at natuliro. Lahat ay hindi alam kung ano ang gagawin. Ilang minuto lang ay may dumating na na mga pulisya at ambulansya. Pinalayo muna ang mga tao sa nangyaring aksidente. Dinala nila dali-dali ang ang mga biktima sa malapit na ospital upang gamutin ng agaran.



E R O S



Nagising ako na masakit ang buong katawan lalo na ang aking ulo. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata hanggang maging maayos ang aking paningin. Bumungad sa akin ay ang amoy ng gamot at puting kisame. Nilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Doon ko lang napagtanto na nasa ospital ako. Muli kong ipinikit ang aking mata at pinilit na alalahanin ang nangyari. Pumasok sa aking isipan ang nangyaring aksidente at ang mga nawala kong ala-ala.



Nawalang ala-ala?!



Bigla akong napabangon sa aking kinahihigaan. Hindi ko inalintana ang sakit ng katawan. Ang tanging nasa isipan ko lang ay ang aking nadiskubre at si Eris. Napatigil muli ako ay naalala ko ang aking ginawa kay Eris. Ang mga masasakit na salita na aking binitawan sa kanya.



"Kailangan kong makaalis dito"sambit ko habang tumatayo.



Habang ako'y tumatayo ay may biglang pumasok.



"Saan ka pupunta Eros?"seryosong sambit ng isang tao mula sa aking likuran.



Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at doon ko nakita ang aking tito na si Mr.Kim. Nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin na may dala-dalang pagkain sa kanyang kamay.



"Tito kailangan ko ng umalis. Kailangan kong puntahan si Eris"pakiusap ko sa kanya na may luha sa aking mga mata.



Gustong-gusto ko ng puntahan si Eris.



Gusto ko nang makita ang kanyang maganda mukha.




Gusto ko nang makita ang kanyang magandang mata na kumikinang habang tumatawa siya.



Gusto ko nang makita ang kanyang mga ngiti na tila nagbibigay sa aking ng lakas ng loob at enerhiya.



at



Gustong-gusto ko na siyang hawakan at yakapin ng mahigpit at sasabihin ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.



Oo mahal ko si Eris.



Mahal na mahal ko siya.



Hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Napaluha at napaluhod na lang ako sa sahig. Nagsisisi ako sa lahat ng aking sinabi at ginawa sa kanya. Sa pagtulak ko sa kanya palayo at sa pananakit ko ng kanyang damdamin. Galit ako sa aking sarili dahil sa paglimot sa kanya.



"Kung gusto mong makita si Eris ay magpakatatag ka"narinig kong sambit ni Tito.



Tumingin ako sa kanya na may halong pagtataka.



Bakit ko kailangan maging matatag? 



Anong nangyari kay Eris?



"Anong ibig-sabihin mo tito?"sambit ko sa kanya.



"Ang mabuti pa mag-ayos  ka na ng iyong sarili. Aalis muna ako upang kausapin ang doktor mo. " sambit ni Tito



Naiwan akong nag-iisa at ang tanging iniisip ay sana mapatawad ako ni Eris. Ang aking minamahal.

Cupid's Unwanted Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon