Dedicated po to kay haimrue. Thank you so much sa pagbabasa ng istorya ko na ito. Thank you talaga.
E R I S
NANG imulat ko ang aking mata, bumungad sa akin ang kulay asul na kisame na may disenyong mga ulap.
Tiningnan ko ang aking paligid at tiningnan kung nasaan ako. Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga ng napagtanto ko na wala ako sa aking kwarto.
"Aray!" inda ko ng biglang sumakit ang aking ulo.
"Ano bang
nangyari?"dugtong ko.
Pilit kong inalala ang mga pangyayari bago ako mawalan ng malay. Sa isang waiting shed, malakas na hangin at malakas na ulan. Para bang nagsibalikan ang aking mga alaala ng gabing iyon. Pero isa lang ang nasa isipan ko.
"Nasan ako? At sino ang nagligtas sa akin?" tanong ko sa aking sarili.
Pagkatanong na pagkatanong ko sa aking sarili, saktong narinig kong bumukas ang pintuan ng silid na aking tinutuluyan. Tumambad sa aking paningin ang isang lalaki na nakapajama at naka sweater na may dala dalang pagkain sa isang tray.
"Shit ang hot" sambit ko sa aking isipan.
Tila narinig ito ng lalaki at ngumisi habang umiiling.
"Baliw" rinig kong bulong nito.
Napasinghap nalang ako, hindi dahil sa kanyang sinabi kundi sa kanyang boses.
"IHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! EROS MY LOVES!" impit kong tili ng makilala ko ang nagsalita.
Bumangon ako sa aking pagkakahiga at tumakbo patungo sa kanyang direksyon upang dambahan ko siya ng yakap.
Hindi siya agad nakaiwas kaya ang resulta nahulog kami at ako ay nakapatong sa kanya habang siya ay nasa ilalim ko.
Ngumiti ako sa kanya sabay halik sa tungki ng kanyang ilong. Kita kong ang pagbabago ng kanyang reaksyon mula sa pagkakunot ng noo naging Malaki ang singkit niyang mga mata dahil sa gulat. Akmang hahalikan ko siya ulit ng bigla niya ako tinulak.
"AHHHHHHHHHHH! Lumayo ka nga sa akin!" sabi niya habang namumula ang kanyang pisngi.
"Ano ka ba naman My Loves, huwag ka ng mahiya. Normal lang naman yan sa magboyfriend at mag-girlfriend." sabi ko habang nakangiti sa kanyang ng ubod ng tamis.
Imbes na sagutin ako bumuntong hininga nalang siya at tumayo. Nilahad naman niya ang kanyang kanang kamay sa akin. Ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang kanang kamay at hinila niya ako patayo.
"Mamaya na tayo mag-usap sa bagay na iyan sa ngayon kumain ka muna at uminom ng gamot" sabi ni Eros.
Tumango nalang ako at kinuha ang pagkaing kanyang tinutukoy. Kain lang ako ng kain ng mapansin kong nakatitig lang siya sa akin. Sumandok ako sa aking lugaw sabay sabing
"Nga-nga ka Eros".
Nakatitig lang siya sa kutsara na may lamang lugaw. Nang lumipas ang ilang segundo, akmang ibababa ko na ng bigla niya itong sinubo. Ngumiti nalang ako sa kanya ng bigla niyang iniwas ang kanyang panigin sa akin.
Naubos ang aming kinakain. Niligpit muna niya ang aking pinagkainan at ipinatong sa side table. Konting katahimikan ang bumalot sa amin. Tanging ang malakas na ulan lang ang aming naririnig. Hindi ko na natiis kaya nagpasya ako na basagin ang katahimikan.
"Ano ba ang pag-uusapan natin My Loves?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Cupid's Unwanted Girlfriend
Historia CortaWill Eris love Eros forever or she'll choose to give up? Will Eros love her back or she will stay as his Unwanted Girlfriend Eros and Eris Story.
