E R O S
Kasalukuyan kaming nag-uusap ni Mr. Kim tungkol sa nangyaring insidente sa amin ni Eris. Si Mr.Kim ay ang aking Tito at sa kanya din ako nagtatrabaho. Siya lang ang tao na alam kong makakatulong sa akin sa pagresolba sa problema na ito.
"Tito nakita niyo na ng harapan ang sinasabi ko sayong problema, matutulungan niyo ba ako?"tanong ko kay Tito Kim.
Sandaling sumulyap muna kay Eris si Tito Kim.
"Alam mo Eros tingin ko naman ay walang problema kay Eris. Ano ba talaga ang nagawa mo?"napakamot pa siya sa kanyang kilay.
"Gaya nga ng aking pagkakasabi. Natamaan ko siya ng palasong pampaibig. Simula noon ay palagi na lang niya ako sinasabihan ng Mahal kita."sambit ko sa kanya.
Napatango-tango na lang siya at muling napaisip. Habang naghihintay ako sa kanyang sagot ay pansamantala kong tiningnan si Eris na nasa sopa ng opisina ni Tito Kim. Kasalukuyan siya ng nagbabasa ng magasin habang kumakanta kanta pa.
E R I S
"Hmmm, Hmmm"
Ano ba naman yan. Ang tagal tagal naman mag-usap nina Eros at Mr.Kim. Akala ko kasali ako sa kanilang usapan yun pala maghihintay lang pala ako dito. Wala akong ibang magawa kundi basahin ang isang magasin na naglalaman tungkol sa I.I. Habang nagbabasa, naramdaman kong parang may nakatitig sa akin.
Lumingon ako sa pwesto nina Eros at don ko nahuli si Eros na nakatitig sa akin. Nakipagtitigan pa ako sa kanya ngunit ako tin ang unang bumawi ng tingin. Binalik ko na lang ulit ang aking konsentrasyon sa pagbasa. Ilang sandali pa ay narinig kong inaaya na ako pauwi. Nagpaalam ako kay Mr.Kim at nagpasalamat.
"Paalam po Mr.Kim! Sa susunod po nating pagkikita."pamamaalam ko sa kanya.
Umalis na kami ni Eros. Habang kami ay nasa sasakyan na ay tinanong ko si Eros kung ano ang pinag-usapan nila.
"Eros ano nga pala pinag-usapan niyo ni Mr.Kim?"sambit ko sa kanya.
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya nanahimik na lang ako. Tanging blangkong ekspresyon lang ang tangi kong nakikita sa kanyang mukha. Hayy sana ay nababasa ko ang laman ng kanyang isipan para naman hindi ako magmukhang tanga na nagtatanong tapos wala rin namang sasagot. Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang aking bahay. Nag-ayos na ako ng aking gamit. Ilang minuto lang ay tumigil na ang sasakyan sa tapat ng aking gate. Bubuksan ko na sana ang pintuan upang makalabas ng pigilan ako ni Eros.
"Eris ito na sana ang ating huling pagkikita. Kung sakali man na magkrus ang ating landas ay magkunwari na lang tayong hindi magkakilala."sambit ni Eros habang diretsong nakatingin sa harap.
Nawala ang aking ing sasabihin. Tila umismid ang aking dila. Hindi ko mapigilang mapaluha. Sinasaktan nanaman niya ako. Nagsimulang manikip ang aking dibdib kaya hindi ko na napigilan. Lumabas ako sa kanyang sasakyan at tumakbo patungo sa aking bahay. Pagkasarado ko sa aking pinto ay kasabay ng pag-agos ng aking luha sa aking mukha.
Untitled-unti akong dumulas sa likod ng pintuan. Nararamdaman ko ang pagsakit ng aking dibdib. Kukunin ko na sana ang aking gamot ngunit huli na. Unti-unting nagdilim ang paningin.
E R O S
Habang ako'y nagmamaneho ng aking sasakyan ay bigla nalang pumasok sa aking isipan ang sinabi ko kanina kay Eris. Alam kong nasaktan ko siya sa aking binitawan na mga salita ngunit hindi ako nagsisisi. Mas mabuting patigilan ko na siya sa kanyang ilusuon na mahal niya ako kaysa mahilog pa siya sa akin lalo.
Takot lang mahulog sa kanya bulong ng isang tinig sa aking isipan.
Napailing lang ako habang nagmamaneho. Hindi kailanman ako magkakagusto sa kanya at alam ko na na hindi niya talga ako mahal.
Mahal mo siya dati pa muling bulong ng tinig sa aking isipan.
Anong mahal ko na siya dati pa?
Napabuntong-hininga na lang ako sa aking naiisip. Habang tinatahak ko ang daan patumgo sa aking tahanan ay bigla na lang sumakit ang aking ulo. Parang may nakikita akong mga imahe ng dalawang tao. Nawalan na ako ng kontrol sa aking sasakyan. Nakita kong may paparating na sasakyan sa aking direksyon. Huli na ang lahat, bumangga na ang sasakyan. Naunyog ako sa aking manibela at habang nawawalan ng malay ay doon lamang naging malinaw ang lahat.
Eris sambit ko bagomawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Cupid's Unwanted Girlfriend
Short StoryWill Eris love Eros forever or she'll choose to give up? Will Eros love her back or she will stay as his Unwanted Girlfriend Eros and Eris Story.