E R O S
KASALUKUYAN akong naghihintay kay Tito Kim dito sa aking silid sa ospital. Hindi pa rin mawaglit sa aking isipan si Eris.
Ilang sandali lang ay dumating na si Tito Kim. Kita ko ang kanyang seryosong ekspresyon sa mukha. Lalo pang nadagdagan ang kaba sa aking puso.
"Eros"sambit ni Tito Kim sa akin.
"Bakit po Tito?"sambit ko.
"Mag-ayos ka na ng gamit. Nakausap ko na ang iyong doktor. Naipagpaalam na kita sa kanya. Maaari na nating puntahan si Eris."
Dagli akong nag-ayos ng gamit. Habang inaayos ko ang aking damit ay tinawag akong muli ni Tito Kim.
"Babalaan na kita Eros ukol sa kalagayan ni Eris. Hindi maayos ang lagay niya. Sana ay pagnakita mo na siya ay ipakita mo na matatag ka at huwag na huwag kong sisisihin ang sarili mo. Lagi mong tatandaan na nadyan lang siya sa iyong tabi, handa ka niyang gabayan at bigyan ng lakas."
Tumango na lang ako bilang sagot.
Lumabas na kami sa aking silid. Habang tinatahak namin ang daan patungo kay silid ni Eris ay walang nag-iimikan sa aming dalawa. Habang tumatagal ay pabigat ng pabigat ang aking hakbang. Pabilis ng pabilis ang pintig ng aking puso. Iba't ibang pangyayari ang gumugulo sa aking isipan. Ilang sandali lang ay tumigil na kami sa isang pintong kulay puti. Sinenyasan ako ni Tito Kim na pumasok.
Bago ako pumasok ay ilang buntong hininga ang aking pinakawalan. Nanalangin ako sa itaas na gabayan ako. Nagpaskil ako sa aking mukha ng isang matamis na ngiti at pinagpasyahang pumasok na sa silid.
Pagbukas ko ng pintuan ay tila tumigil sa pagtibok ng aking puso. Nawala ang kakayahan kong makarinig sa paligid. Ang aking paningin ay nakatutok lang sa isang tao. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Tinungo ko ang kanyang direksyon at niyakap ko si Eris ng mahigpit na mahigpit. Hinawakan ko ang kanyang mukha at mariin siyang hinalikan sa labi. Naramdaman kong nabigla si Eris ngunit ilang sandali lang ay tinugon na din niya ang aking halik. Ilang minuto kaming nagtagal. Hiniwalay ko na ang aking labi ng maramdaman ko na malapit na kaming kapusin ng hininga. Ipinatong ko ang aking noo sa kanyang noo at ngumiti.
"Mahal kita Eris. Mahal na mahal."sambit ko sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Nakita kong unti-unting ngumiti si Eris at ilang sandali lang ay napahagulgol na siya. Niyakap niya akong muli ng buong higpit na tila ayaw niya akong pakawalan.
"Mahal na mahal din kita Eros. Mahal na mahal."sambit nito sa akin na may garalgay na boses.
Ilang sandali lang ay tumahan na ito.
"Akala ko Eros hinding-hindi ko na maririnig sa iyo ang katagang iyan. Akala ko hindi na niya ibabalik ang mga alaala mo. Ilang beses kong ipinanalangin sa Panginoon na sana ibalik na niya ang Eros ko. Na sana mahalin na niya ako muli pero tingnan mo ang nangyari, tinupad na niya ang aking hiling. Ibinalik ka niya sa akin Eros"sambit ni Eris
Hinawakan ko ang mukha ng aking minamahal ay hinalikan ko ng munting halik ang kanyang mata patungo sa kanyang labi.
"Kailanaman Eris ay hindi ako nawala sa buhay mo. Kahit nawalan man ako ng ala-ala ay nananatili ka sa akin puso. Ikaw pa rin ang isinisigaw nito. Mawala man ang aking alaala, ang pagmamahal ko sayo ay hindi mawawala, mananatili ito sa aking puso. Sana ay mapatawad mo ako sa lahat ng aking ginawa. Sa pagbitiw ko ng masasakit na salita at sa pagtulak ko sayo papalayo."sambit ko.
Hinawakan ni Eris ang aking mukha at hinaplos-haplos ito.
"Hindi mo kailangan humingi sa akin ng tawad dahil alam kong hindi mo iyon sinasadya dahil alam kong mahal mo ako. Alam kong nalilito at naguguluhan ka lang sa mga pangayayari sa iyong buhay noong panahon na iyon."sambit nito sa akin.
Niyakap ko na lang muli si Eris at hinaplos-haplos ang kanyang mahabang buhok.
"Pagkaalis na pagkaalis natin sa ospital ay magpapakasal na tayo. Bubuo tayo ng pamilya. Ipagpapatuloy natin ang ating pagmamahalan at gagawa tayo ng bagong mga alaala. Mahal na mahal kita Eris. Mahal na mahal."sambit nito.
"Mahal na mahal din kita Eros. Mahal na mahal. Sana ya maging masaya ka."sambit nito sa akin.
Ilang sandali pa kaming magkayakap ng maisipan ko siyang bilhan ng pagkain. Hinalikan ko muna siya sa labi bago umalis sa kanyang silid. Dali-dali akong bumili sa bilihan ng mga pagkain. Ilang minuto lang ang tinagal doon. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapangiti ngunit ng malapit na ako sa silid ni Eris ay nakita ko si Tito Kim na umiiyak habang kausap ang isang doktor.
Nabitawan ko ang bitbit kong pagkain at tumakbo patungo sa silid ni Eris ngunit huli na ang lahat patay na si Eris.
Tumakbo ako patungo sa kinahihigaan ni Eris. Napaiyak na lang ako at napahagulgol ng makita ko ang nakangiting mukha ni Eris. Tila natutulog lang ito ng mahimbing. Lumayo ako sa kanya ng bahagya at hinawakan ang kanyang mukha. Unti-unti kong nilapit ang aking mukha kay Eris at nilapat ang aking labi sa labi nito. Hinalikan ko ng buong puso si Eris hanggang napaiyak na lang akong muli.
Siguro lang maagang natapos ang aming kwento ngunit ang aking pagmamahal sa kanya ay maihahalintulad ko sa isang librong walang katapusan dahil ang pagmamahal ko sa kanya ay hindi kailanman magtatapos.
W A K A S
BINABASA MO ANG
Cupid's Unwanted Girlfriend
Short StoryWill Eris love Eros forever or she'll choose to give up? Will Eros love her back or she will stay as his Unwanted Girlfriend Eros and Eris Story.
