E R I S
NAGBAGO na talaga siya sa isip ko habang tumatakbo ako palayo sa lalaking mahal ko, si Eros.
Nasaktan ako sa pagtanggi niya sa kanyang nararamdaman para sa akin.
Patuloy lang ang pag-agos ng aking luha nang maramdaman kong unti-unting pumatak ang ulan na tila nakikidalamhati sa aking nararamdaman.
Sumilong ako sa isang waiting shed at doon naghintay na tumila ang ulan.
"Whooooooshhhh, Whooooooooshhh" tunog ng malakas na hangin.
"Naku bumabagyo pa ata" sabi ko.
Tila lalo pang lumakas ang hangin at ulan. Halos mahimatay na lang ako sa nginig dala ng malakas na ihip ng hangin. Unti-unting sumasara ang aking mga talukap dahil sa pagsama ng aking pakiramdam at sa pagsakit ng aking bandang dibdib.
"Tulong, tulong, Eros tulong" huli kong sambit bago ako mawalan ng malay.
E R O S
Nandito ako sa aking bahay ng biglang lumakas ang ulan. Saktong binabalita ang panahon.
"Magkakaroon po tayo ng magdamag na ulan hanggang Sabado dahil po ito sa Bagyong Anna. Mas mabuti pong manatili tayo sa ating mga tahanan." Ayon sa tagaulat.
Bigla akong hindi mapakali sa aking kinauupuan matapos marinig ang balita. Para bang may nangyaring masama.
"Tulong,tulong Eros tulong." Bigla kong narinig sa aking isip.
Biglang pumasok ang imahe ng isang babae sa aking isip. Dali-dali akong tumayo at pumunta sa kinaroroonan niya.
Habang nasa daan, hindi ko mapigilang sisihin ang aking sarili.
" Bakit ko ba siya pinabayaan?" sambit ko na punong-puno ng pag-aalala.
Nahagip ng aking mata ang isang waiting shed sa di kalayuan. Dali-dali akong bumaba sa aking sasakyan at doon ko nakita ang isang babae na nakalumpasay sa lupa.
"Binibini gising" sabi ko habang tinatapik ang pisngi ng babae.
Naramdaman ko ang di pangkaraniwang temperatura nito. Sinapo ko ang kanyang noo at doon napagtanto na mataas ang lagnat nito.
Dinala ko siya sa aking sasakyan. Napansin kong nanginginig siya kaya nagdesisyon akong patayin ang aircon ng aking kotse. Binalutan ko siya ng dala-dala kong jacket. Nang maayos ko na ang kanyang pwesto, pinaandar ko na ang aking sasakyan at iginaya sa ruta pabalik sa aking tahanan.
BINABASA MO ANG
Cupid's Unwanted Girlfriend
Short StoryWill Eris love Eros forever or she'll choose to give up? Will Eros love her back or she will stay as his Unwanted Girlfriend Eros and Eris Story.