XXIX.

123K 5K 1.1K
                                    

Rose

"Hindi ko nga alam kung nasasaan siya!" Sabay subo ng kanin. What? Gutom ang dyosa.

Pinaningkitan ako ni Harold at ako naman dedma lang. Kaya nga ako kumakain ngayon para mapigilan ko yung bunganga ko sa kakatalak at baka ma-spoil ko sakanya ang location ni Gemmy. Sumubo pa ako ng kanin saka ulam. Yung tipong punong-puno na yung bibig ko. Well, at least maganda pa rin.

"Alam mo namang nawawala yung bestfriend mo diba? Pero bakit ang kalmado mo?" Muntik na akong mabulunan. Okay, kalma lang Rose. Hwaiting!

"Eh anong gusto mo? Halughugin ko ulit yung buong bahay? Eh diba ginawa mo na yun kanina pa? So alangan na uulitin ko? Jusmiyo kebaribaridad! Paano nga ulit kita naging boyfriend? Kaloka ka ha." Good job, Rose. Good job.

Sasagot pa ulit sana siya kaso nag ring yung phone niya. Tinapunan niya ako ng tingin na hindi-pa-tayo-tapos-magusap saka siya lumabas. Uwaaa! Kanina pa ako hina-hot seat ng unggoy na yun! Pinakawalan ko yung hininga na kanina ko papala pinipigilan. Whoo.

Gabi na kaso wala pa ring palya sa paghahanap si Harold. Hindi ko nga alam pero sobra siyang natataranta, alam kong boss niya yung asawa ng bestfriend ko pero anong meron at ganun na lang siya sobrang nag-aalala? May takot akong nakiya sa mga mata niya. Pwede namang tumawag ng pulis o di kaya--oh god!

Idinikit ko ng maigi yung tenga ko sa pinto at nakinig sa usapan ni Harold at yung tao na nasa kabilang linya. I swear my narinig akong Luc/Luke. Di kaya si Luc Hamilton? Kyaaah! Pero teka, kalma lang hormones ko. Umaandar na naman ang pagiging fan girl ko.

May narinig akong boses mula sa kabilang linya pero hindi ko naring ng husto. Teka ano daw? Basta may narinig akong back. Hindi kaya...alam kong baliw ako pero hindi ako slow!

****

Gemma

Pangatlong araw ko na ngayon at sa kabutihang palad, nakahanap ako ng trabaho dito sa bayan, dahil wala rin naman akong magawa sa bahay kundi magkulong at magmukmok. Mas mabuti na siguro kung lunurin ko yung oras ko dito sa trabaho para kahit papaano maokupado yung utak ko.

Maliit lang na karinderya ang napasukan ko pero sobrang babait ng mga trabahador dito. Napangiti ako nang masulyapan ko si Emy, isa sa mga waitress dito, na kanina pa nag papa-cute sa isang costumer. Si Ral, na seryosong kumukuha ng order. Si Kristy, na nasa counter na palihim na kumakain ng clover at si Nanay Weng na ubod ng bait at feeling bagets. Konti lang kami dito pero nakakaya pa rin naman namin yung trabaho.

"Nakakalurkey ka Gem! Simula nung nag apply ka dito, mas dumami yung mga costumer--"

"Ate isang order ng sisig!"

"Opo! Opo! Andiyan na!--Tignan mo? Sabi ko sayo e." Bulong ni Emy saka pumunta sa kusina. Tumawa nalang ako ng mahina saka nilapitan yung iba pang costumers. Hindi tulad sa Maynila na babastusin ka sa trabaho, iba ang mga tao dito. Masaya silang kausap at ituturing ka nila bilang kaibigan at hindi trabahador dito.

"Kain na hija." Offer nung mag asawa pero nginitian ko nalang sila.

"Sige lang po. Pakabusog po kayo." Nakita kong papalapit si Nanay Weng sa direksyon ko kaya tumugil muna ako at sinalubong ko siya.

"Kamusta naman ang trabaho hija? Hindi ka ba masyadong nahihirapan dito?" Nung una kasi akala niya anak mayaman ako at hanggang ngayon nagdududa pa rin siya.

"Ikaw naman kasi, bakit ito ang pinasok mong trabaho? Sayang ang kutis mo oh! Puro usok lang dito at dagdag mo pa yung ingay, nako hindi bagay yung mukha mo dito. Bakit hindi ka nalang nag model hija? Jusko pag ikaw naging anak ko, matagal na kitang isinabak sa miss universe."

Married to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon