'Flashback'
"Mama! Mama!"
Sigaw ng isang umiiyak na bata habang nakatingin sa mama niyang papalayo sa kanya. Napatingin siya sa kanyang paligid at marami rin siyang kasamang bata ba na gaya niya ay umiiyak rin. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang perang inabot ng matanda sa kanyang nanay. Gusto niyang tumakbo at sumama sa kanila kaso napatingin siya sa isa sa mga bantay na tila nagbabanta.
Lumipas ang ilang araw at natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili sa kalsada na namamalimos ng barya o di kaya pagkain para sa kumakalam na niyang sikmura. Napangiti siya sa kanyang kasamahan ngunit hindi ito umabot sa kanyang tenga. Sinong matinong bata ang makakangiti sa sitwasyong ito? Minsan piso piso lang ang nakukuha niya sa isang araw at kapag naaktuhan siyang tumatakas ay mas lalo itong nagkakapasa sa kanyang katawan.
Hindi niya alam kung buhay pa ba siya o patay na sa sobrang pagpapahirap sa kanila. Gusto niyang maiyak pero mukhang nailabas na niya lahat. Lumipas ang ilang taon at ganun pa rin ang buhay niya. Gusto niyang hanapin ang nanay niya at tanungin kung bakit siya ibinenta sa mga sindikato. Sinong matinong nanay ang gagawa nun? Halos mamatay na siya araw araw sa gutom, uhaw at sakit na natatanggap niya mula sa kanilang 'tatay'.
Hanggang sa isang araw napagpasyahan niyang tumakas. Desperada na siyang makaalis sa buhay na sinimulan ng magaling niyang nanay. Pero sa kasamaang palad, nahuli siya at kung masakit na yung ginagawa sa kanya araw-araw, mas doble naman ngayon. Hindi niya alam kung paano siya gumigising araw araw habang nananakit ng sobra ang katawan niya. Ayaw na niyang mamuhay. Pagod na siya. Napahawak siya sa kanyang ulo nang bigla itong hampasin ng kanyang 'tatay' ng isang bote ng alak.
"Tama na po!"
"Bitawan mo ako! Sutil na bata!"
Itinulak siya ng matanda at tumama ang kanyang ulo sa isang bato. Masyadong malakas ang tama nito dahil nagsimula siyang mahilo at di kalauna'y nawalan ng malay.
****
Gemma
Tatlong araw na akong tumutuloy dito sa bahay nila Rose at magmula nung araw na sinabi ko sa kanya yung totoo, hindi pa rin siya makapaniwala at hindi rin namin ito masyadong pinag uusapan. Baka nag aadjust pa siya sa kanyang nalaman at hindi ko naman siya masisisi. May pinapunta na rin akong mga pulis para mag imbestiga sa bahay at ibinigay ko yung baseball bat na tanging ebidensya na alam ko. Sa ngayon, masasabi kong medyo hindi normal ang buhay ko. Pagkatapos kasi maipalabas yung balita na yun ay mas lalo pang nag iba yung tingin sa akin ng mga katrabaho ko. Alam kasi nilang ako yung babae sa video pero hindi lang sila nagsasalita dahil utos yun ni boss kaso hanggang ngayon malaking palaisipan pa rin sa akin kung sino ang kumuha ng litrato na iyon.
Sa ngayon, nakatayo ako sa harap ng mansion. Napalunok ako nang bumalik sa akin kung gaano ito kapamilyar. Nanginginig kong pinindot ang doorbell at taimtim na nagdasal. Hindi ko alam kung handa na ba akong kausapin siya tungkol sa nangyari pero napagtanto ko rin na kapag patatagalin ko pa ito, mas dinadagdagan ko lang ng problema ang sarili ko. Tama nga si Rose, at kaya andito ako ngayon ay para humingi ng tawad. Ang dami kong ibinato sa kanya na masasakit na salita at kakapalan ko na ngayon ang mukha ko para makipagharap sa kanya.
Maya maya ay lumabas ang isang matanda at pinagbuksan ako. Siya siguro yung bago niyang maid dito, ngayon ko lang siya nakita.
"Sino po sila?"
"Uhm..." Napatingin ako sa mga CCTV at lahat ito ay nakatutok sa akin. Alam kong hindi basta bastang nagpapasok si Luc at hindi gawain ng mga maid na magbukas ng gate para sa mga taong hindi nila kilala.
BINABASA MO ANG
Married to Unknown
Vampire12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching you.." -H THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLI...