IX.

178K 6.6K 2.2K
                                    

'You must immerse yourself in total darkness to fully appreciate the exquisite beaauty of the night sky'. -Susan Macaulay

Gemma

Medyo malaki 'tong isla kaya naman hindi ko na alam kung saan ako babalik. Kanina kasi gusto kong magpahangin kaya naglakad lakad muna ako hanggang sa hindi ko namalayan na napalayo na pala ako.

Great.

Sinipa ko yung bato sa paanan ko at nagtuloy sa paglalakad. Sinubukan kong alalahanin kung saan ako naglakad lakad kanina.

"Gabing gabi na. Kung magpapalipas ako dito ng gabi baka lapain pa ako ng mga insekto. Nasaan na ba kasi ulit yung daan pabalik?"

Ilang minuto ko na ring kausap yung sarili ko. Kung saan saang direksyon ako pumunta kaso mas nalilito lang ako. Sinubukan kong sumigaw sigaw baka sakaling marinig nila ako.

"Aray!"

Hindi ko nakita yung basag na bote kaya naapakan ko ito. Okay lang sana kung yung maliliit na basag na bote kaso hindi. Para siyang kutsilyo sa sobrang tulis at talagang bumaon ito sa paa ko.

"Fck! Fck!" Mabilis pa sa alas kwatro kong tinanggal yung nakabaon sa paa ko kaso mas lalo yun dumugo. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa sobrang dami ng dugo.

Bigla akong nakaramdam ng lamig sa likuran ko, para bang may tumakbo? Lumingon ako kaso wala.

Halos mahimatay na ako sa sobrang dami ng dugo nang maramdaman ko ulit yung lamig na yun.

Hindi. Kakaiba yung lamig nito kaysa yung lamig na nanggagaling sa dagat.

"May tao ba diyan?"

Okay baka guni guni ko lang. Sinubukan ko ulit tumayo kaso hindi ako nagtagumpay.

"Tulong! Gemma! Raven!" Nagbabakasakali ako na medyo malapit na ako sa resthouse at marinig nila ang boses ko.

"Gemma? Gemma ikaw ba yan? Gemma nasaan ka?" Huminga ako ng maluwag. Boses yun ni Chris, isa sa mga kasama namin.

"Chris!" Naaninag ko yung ilaw saka ako kumaway-kaway. Nagulat nalang ako dahil kasama niya si Harold. Buti naman nakadamit na sila ng pangitaas.

"Sht! Anong nangyari sa'yo?!"

"Uy dahan dahan lang! May mga nagkalat diyan na basag na bote."

Nakita ko kung paano umiwas at huminga ng malalim si Harold nung makita niya ang duguan kong paa.

"Tara buhatin na kita para magamot ka doon. Kanina pa kami nag aalala sa'yo." Akmang bubuhatin na ako ni Chris nang bigla nalang itong napadaing.

"May problema ba?"

"Hindi....Hindi ko alam kung bakit ako nasugatan sa kamay. Ang bilis ng pangyayari parang may dumaan na malamig kanina tapos eto." Naramdaman niya rin yung lamig? Tinignan ko yung sugat niya at medyo mahaba yun. P-Paano?

"Ako na magbubuhat sa kanya. Kailangan na nating bumalik para magamot kayong dalawa." Ba't ganun? Parang mas nahihirapan siya sa pag hinga?

"Sige."

Lumapit sa akin si Harold at bago niya ako tuluyang buhatin, huminto muna siya saka tumingin sa akin.

"Pwede ba kitang mahawakan ma'am?" Tumingin pa siya sa paligid bago niya ulit ibinalik ang tingin sa akin.

Tumango nalang ako kahit ang weird niya at isa pa gusto ko na ring magpahinga.

Hindi na siya nag aksaya ng oras at binuhat ako. Nasa likod lang namin si Chris habang pabalik kami sa resthouse at agad bumungad sa amin sina Rose pagkarating namin doon.

Married to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon