Bonus Chapter: "The plan and the truth about 5 years ago."

133K 4.4K 1.9K
                                    

A/N: Kapag naka-italicize it means naka flashback mode siya at naka third person POV and kapag naka-normal font, nakaset siya sa POV ni Gemma. Ingat, baka malito.

CONFESSIONS: Before the abduction.

[5 years back...]

"Rose naman, ayoko nga sabi mag tinder tinder na yan! Naniniwala ako sa kasabihan na love will find you, not the other way around. At isa pa, hindi ako desperada 'no." She repeated for what seems like forever.

"Kasabihan lang yan ng mga matatanda like hello?! Millennial era na tayo Gemmy, kailangan mo ding lumandi pa minsan minsan. Awra ganon! Hindi uunlad love life mo kung hindi mo kakapalan mukha mo!"

"Ah basta ayoko pa rin sa tinder na yan."

"May kilala ako!"

"Yung adik ba? Wag na. Mas bagay kayo."

"Hoy! Ang ganda mo ha?!"

As usual nagtatalo na naman sila sa table nila.

"Hoy Rose, hayaan mo na nga kasi si Gemma. Nagplaplano na yan kung paano ako pasasagutin. Diba bebe?"

"Kapal."

"Kami na kaya niyan ni baby girl."

"Ambaho."

"Princess ko yan ang kukupal niyo! Mga mukhang aso."

"Kaysa sa'yo, asong ulol."

"Guys, sa totoo lang." Walang nakinig kay Gemma habang nagtatalo pa rin si William at Hector habang si Harold naman ay nakatingin lang kay Rose.

Kung tatanungin, sila lang naman ang mga kaibigan niya sa kolehiyo.

"Akin siya!"

"Walang sa'yo!"

"Ganon? Edi sa akin ka nalang!"

"Ang baboy mo Hector!"

"Tapos tawagan natin bby."

"Paky--"

"I'm engaged."

"--yu."

"Ha?"

"Hindi pwede!"

Napatayo si William kaso sinapak siya ni Hector sa mukha kaya ito napaupo ulit at siya naman ang tumayo.

"I object father!"

"Nagbibiro ka ba Gemmy? Pinahirapan mo pa akong maghanap ng dating apps tapos engaged ka na?!" Napahinto siya. "Pero papabols ba? Yummy?"

"Ewan ko sa inyo." Kinuha na niya ang bag niya. "Susunduin niya ako ngayon."

Akala niya magmamaktol ang mga kaibigan niya kaso nakatingin lang sila sa kanyang likuran.

"I'll take her from here." She jumped in surprise nang may humapit sa kanyang bewang papunta sa matipuno nitong katawan. She smiled in comfort, finally.

"Sa akin nalang siya pwede?" They all burst into laughter.

*

"Doon nagsimula ang lahat. William, Harold, Hector and I. Kami ang dati mong kaibigan 5 years ago. Same course sa college, same table, same favorite foods. In short barkada for life ang peg natin noon." Paguumpisa ni Rose, hindi ko alam kung ano bang dapat na maramdaman ko. Kaya ba ganito kami ka-close? Dahil noon palang magkakilala na pala kami?

Married to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon