FLASHBACK
At tuluyan nilang binuksan ang pinto. Sinalubong sila ng liwanag at bumungad ang napakagandang loob ng mansion ngunit ang napakalaking grand staircase ang una niyang napansin at mga abalang katulong na naglilinis ng mga vase sa gilid.
"Kaninong bahay 'to? Hindi kaya mahuli tayo ng pulis?"
"Ako bahala sa'yo. Halika na."
"Ehh baka makita tayo ng katulong! Isusumbong nila tayo! Hindi ka ba natatakot makulong? Ayoko pa makulong!"
Ganun na lamang ang pagtataka niya nang lumingon ang mga maid kay Luc at saka sila nagsi yuko na para bang takot sila dito. Nagtago tuloy siya sa likod nito.
"Bakit ganyan sila umasta? Kilala mo ba sila? Ka-close mo rin?"
Lumingon sa kanya si Luc saka kinurot sa pisngi.
"Aray!"
"Tara na."
"Bakit kailangan mo akong kurutin? Sumbong kita kay mami iuwi mo na ako."
"Wala na yung surprise ko sayo kapag iuuwi na kita."
"Surprise?"
"Uwi na tayo."
"Hindi! Yung surprise muna!"
"Ayaw mo naman yata. Uwi na tayo, lika na."
"Sorry na po." Sabay pa cute eyes. "Saan na yung surprise?" Pahabol pa nito kaya hindi mapigilan ni Luc na matawa. Sumipsip pa.
"Alam mo ba kung saan tayo?"
"Bahay niyo?"
Tumango si Luc. Matalinong bata at maganda pa. Mas nanuyo ang kanyang lalamunan habang nakatingin sa batang nauna nang maglakad kaya sinundan niya ito. Kanina pa siya nagpipigil habang nakatingin sa leeg ni Nicole. Hindi na bago sa kanya ang gawaing ito, ilang bata na rin ang naidala niya dito. Pero pagdating sa kanya, hindi niya maiwasang magtaka kung bakit parang may pumipigil sa kanya.
"Nicole."
"Hmm?"
"Gutom ka na?"
"Ha?" Sakto namang tumunog ang tiyan niya. Hindi niya maiwasang mapamangha, kakaiba siya sa mga ibang bata na naidala niya dito.
Bigla siyang nag peace sign. "Oo eh."
"Diyan ka muna sa sala. Magpapaluto ako okay?"
"Okay!"
Ginulo niya ang buhok neto. Alam niyang mali itong ginagawa niya, dapat kanina pa ito nakabulagta at naghihingalo pero heto at papakainin pa niya na sana ay kabaligtaran.
Bumalik siya na may dala-dalang mga pagkain pero naabutan niya si Nicole na mahimbing na nakatulog sa sofa. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib niya at hindi niya maiwasang mapakunot noo, hindi siya pamilyar sa ganitong pakiramdam pero isa lamang ang tumatak sa kanyang isipan. Kailangan niya itong protektahan.
"Gising. Tulog mantika gising na."
Ayaw pa rin. Napabuntong hininga nalang siya. Sumandal siya sa gilid ng sofa at tinitigan ang mukha ni Nicole. Mukha itong maldita at may maliit na nunal sa ilong. Sinundot niya ito para asarin kaso napanganga lang siya nang bigla itong humaching at tinalikuran siya.
Bigla siyang nakaramdam ng konsensya na hindi niya aakalain na mararamdaman niya.
Lumipas ulit ang ilang araw at tuluyan na ngang nahulog ang loob ni Luc dito. Palagi na niya itong dinadala sa kanilang bahay at nakikisabay na rin si Logan sa kanilang laro at lingid sa kaalaman ni Luc, nahulog na rin ang loob nito kay Nicole.
BINABASA MO ANG
Married to Unknown
Vampire12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching you.." -H THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLI...