Gemma
"Listen folks! Thank you for attending my bridal shower, y'all know a simple gratitude can't express how thankful I am today but still..."
From being a bartender to this, panibagong sideline ko ulit dahil kailangan ko rin namang kumayod at ayokong umasa sa iba. Nakapasa na ako ng mga ressume ko sa iba't ibang kompanya kanina lamang at sana naman may tumanggap sa akin. Naging dahilan din ito ng pagtatalo namin ni Luc kanina, sabi niya sa kompanya nalang daw niya ako magtrabaho pero ayoko ng special treatment, gusto kong paghirapan lahat ng gusto ko.
Patapos na ang bridal shower nang napagdesisyunan ko munang mag c.r.
Naghuhugas ako ng kamay nang may pumasok na isang babae na mukhang napakapamilyar sa akin. Tumabi siya sa akin at saka nag re-apply ng kanyang make up. Nasa dulo na ng dila ko kung sino siya nang bigla siyang tumingin sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Staring is rude miss."
"Raven?"
"Excuse me?"
Hindi ako nagkakamali. Si Raven 'to kahit saang anggulo ko tignan. Niyakap ko agad siya, hindi ba niya alam kung gaano nag-aalala sina Rose at ang pamilya niya? Tapos dito ko lang pala siya makikita?
"Miss?" Medyo tinulak niya ako. Bakit biglang nag iba yung ugali niya.
"I'm not Raven and please.." Tila ba nandidiri siya sa akin. "don't touch me."
"Raven.."
"Miya. My name is Miya, not Raven, so stop calling me that."
"Miya? Hindi, ikaw si Raven. Please kung nanti-trip ka man ngayon, hindi na nakakatawa. Halos mag iisang taon ka na namin hinahanap tapos dito lang pala kita makikita? Saang lupalop ka ba nagtatago? Dapat malaman ni Rose na nandito ka at para naman mapanatag ang mga magulang m-"
"Miss shut up! Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo. You kept on blabbering nonsense. Capiche."
Aalis sana siya kaso hinawakan ko siya sa braso, hindi ko ulit hahayaan na makakawala siya sa paningin tulad nung dati. Naging kaibigan ko din dati si Raven at ngayong nakikita ko siyang ganito, para bang may mali.
"Ano ba?! Hindi ka ba nakakaintindi miss? Bitawan mo ako."
"Naalala mo ba ako?"
"Duh, I've never met you in my entire life, ngayon lang so let me go you creep."
"Sinong gumawa sa'yo nito?"
"Excuse me? Nakakaubos ka na ng pasensya ha."
"Raven-"
"Hindi mo ba talaga ako bibitawan? Gusto mo tawagin ko yung guard sa labas para kaladkarin ka? Bitaw."
Hindi ko na siya nagawang pigilan. Sinundan ko siya palabas pero nawala nalang siya na parang bula. Nagsi-alisan na yung mga bisita at puro mga stuff at janitress nalang naiwan na nag aayos. Nakakapagtaka pa rin kung bakit bigla nalang siya nagkaganun. Nakilinis nalang muna ako saglit hanggang matapos at dali dali kong tinawagan si Rose nang pababa na ako ng building. Sana naman gising siya sa ganitong oras. Mag aalas dose na kasi ng gabi/umaga.
*Ringing...
"Hello?"
"Rose?"
"Abnormal ka din eh no? Malamang number ko tinatawagan m-"
"Wala akong panahon para makipagbiruan sa'yo ngayon."
BINABASA MO ANG
Married to Unknown
Vampir12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching you.." -H THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLI...