Gemma
"Huwag! Ayokong sumama sa'yo!" Bigla ko na lamang naimulat ang aking mga mata habang tagaktak ang pawis sa buo kong katawan. Same nightmares again, ipinilig ko ang ulo ko habang hinahabol ko ang aking hininga. Palagi ko nalang napapanaginipan yung lalakin 'yon pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita ang mukha niya.
Napalingon ako sa kinaroroonan ko at napansin kong nasa kwarto ako. Inalala ko kung anong nangyari kahapon kaso sumasakit lang lalo yung ulo ko. Kahapon ko pa ito nararamdaman at mas lalo pang bumibigat yung pakiramdam ko. Napalingon ako sa may airconditioner at naka on naman ito pero bakit ang init pa rin?
Biglang may nag door bell sa ibaba kaya napakunot noo ako. Anong oras na ba? Napalingon ako sa labas, umaga na pala. Kahit na tinatamad at mabigat ang pakiramdam, pinilit kong umalis sa kama at habang palabas ako nang kwarto ay nakita ko ang hitsura ko sa salamin. Masyado akong namumutla at ang gulo gulo ng buhok ko. Wala akong ganang mag-ayos kaya hinayaan ko nalang ito at tinignan kung sino yung nag doorbell.
"Tao po!"
"Rose?"
"Zombie? Este Gemma!" Nag peace sign siya. "Nagugutom ka na ba? May dala ako ditong mainit na sopas tapos andito na rin yung gamot mo."
"Ha?"
"Anong 'ha' ka diyan. Patingin nga kung mataas pa rin lagnat mo." Bago ko pa siya mapigilan, sinapo niya yung noo, pisngi at leeg ko.
"Naman! Ang taas ng lagnat mo Gemmy." Hinila niya ako papasok at pinaupo sa sofa.
"Teka p-paano mo nalamang may sakit ako?" Tanong ko kahit na hindi ko rin alam na nilalagnat na pala ako.
"Oh my gash, don't make loko me Gemmy. Nilalagnat ka lang, hindi ka na amnesia." Ano? Abala siya sa pag transfer ng sopas sa mangkok kaya nagtanong ulit ako.
"Seryoso nga."
"Hindi mo talaga maalala?" Umiling ako. Sakto namang inilapag niya yung pagkain sa harapan ko at isang hot choco.
"Hindi ba nagtext ka kagabi na puntahan kita ngayon dahil may sakit ka?" Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. Wala akong maalala na nag text ako sa kanya kagabi.
"At bilang isang butihing kaibigan, andito ako para alagaan ka. Ayiiee kinikilig siya."
Hindi ko pinansin yung panunukso niya at nagbalik yung isipan ko kagabi. Ano ba ulit nangyari?
"Aba kainin mo na yang sopas bago pa lumamig at pagkatapos, chikihan mo ako dun sa nakita mo kahapon."
"Nakita ko kahapon?"
"Isa pa talaga masasapak na kita kahit ka mamanicure ko lang! Huwag mo sabihing hindi mo maalala?"
Nakatingin lang ako sa kanya. Wala talaga akong maalala.
"Haaays!" Ang lakas ng pagkakabuntong hininga niya, yung tipong umabot sa mukha ko yung hininga niya. "Seryoso ka?"
"Sabihin mo na lang."
"Eh di ba tumawag ka kahapon?" Pag uumpisa niya. "Tapos sabi mo na nakita mo si Raven dear na may kasamang fafa at pagkatapos nun pinutol mo na yung linya. Bruha ka talaga! Ano? Naalala mo na?"
Bumalik bigla lahat nang nangyari kahapom pagkabanggit niya sa pangalan ni Raven. Naalala ko na. Hinabol ko siya at isinigaw ang pangalan niya pero hindi niya ako pinansin. Nakakapagtaka masyado nang bigla nalang silang mawala kaya umuwi rin ako nang makaramdam ako ng sakit sa ulo.
BINABASA MO ANG
Married to Unknown
Vampire12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching you.." -H THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLI...