'Flashback'
"Anong pangalan mo?" Nakangiting tanong ng estranghero sa kanya ngunit hindi siya makasagot. Para bang ilang taon siyang hindi uminom sa sobrang tuyo ng kanyang lalamunan at isa pa hindi niya kilala ang taong ito.
'Ano nga ba pangalan ko?' Tanong ng batang babae sa kanyang sarili. Wala siyang maalala ni isa.
"Ayos ka lang ba?" Tinignan niya lang ang ginang na nagtanong sa kanya. Gusto niyang magtanong kung sino siya pero hindi niya kaya.
"Gusto mo ng tubig?" Tango agad ang isinagot niya at agad naman itong binigyan ng tubig. Nilagok niya ang laman 'non hanggang sa umayos na ang lagay ng kanyang lalamunan. Napansin niya na nasa isang puting silid pala siya. Pumasok naman ang isa pang babae na nakasuot ng puti at nakangiti ito sa kanya.
"Hello, kamusta ka na?" Nagtaka siya. Bakit siya andito? At sino 'tong mga taong ito?
"Um ako nga pala si Ate Lanie at nandito ka sa hospital para mas maalagaan ka namin. Alam mo ba kung anong pangalan ng mga magulang mo?"
Umiling siya, wala siyang ideya kung saan siya galing at kung sino siya. Hindi niya matandaan ang kanyang pangalan, paano pa kaya kung pangalan ng mga magulang niya? Ano nga ba ang ginagawa niya dito sa hospital? Paano siya napadpad dito? Napaigtad siya nang marahan siyang hawakan ng ginang sa braso, pero kahit na marahan iyon ay hindi niya alam kung bakit napakasakit nito kaya napatingin siya sa kanyang braso. Laking gulat niya nang makita niya ang napakaraming pasa dito, hindi na niya napigilan at tinanggal niya ang tela na nakabalot sa kanya at napaawang na lamang ang kanyang bibig dahil meron din sa kanyang mga binti.
'Anong nangyari sa akin?' Tanong niya sa kanyang sarili. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Gustuhin man niyang alamin pero wala talaga siyang maalala. Napatingin siya sa ginang sa kanyang harapan, nagtatanong ang kanyang mga mata pero walang maisagot ang ginang. Nakangiti lamang ito pero kitang kita ang awa nito sa bata, ganun din ang nurse.
"Ano pong nangyari sa akin?" Iyon ang unang kataga na lumabas sa kanyang bibig. Tulirong tuliro na siya ngunit wala siyang nakuhang sagot.
"Hija, magpahinga ka nalang muna ha? Kausapin ko nalang muna si mommy mo sa labas."
'Mommy?' Nagtataka nitong tanong sa sarili? Ang ginang sa kanyang harapan ay ang kanyang nanay? Wala siyang matandaan. Pero hindi na siya nakaangal pa nang makalabas na ang mga ito at naiwan siya sa loob ng mag-isa at walang ka ide-ideya.
****
Gemma
"Ganyan nga! Labang lang nang laban! Sa panahon ngayon hindi na uso na laging lalaki ang sumusuyo sa mga kababaihan, ngayon, babae naman. Kung mahal mo, ipaglaban mo at hindi dapat takbuhan!" Nasabi ko kasi kay Rose yung plano ko at nakaisip siya nang mga ideas para mapatawad ako ni Luc. Siya kasi ang magaling dito eh.
"Pero kahit na hindi ako naniniwala na asawa mo talaga siya, well support nalang kita kahit nababaliw ka na." Kaibigan ko ba talaga 'to?
"Anyway, kailan ba ang wedding anniversary ninyo?" Napakibit balikat ako. Paano ko alam kung biglaan ko lang din nalaman na kasal na pala kami?
"Anong..." Ginaya niya yung kilos ko.
"Hindi ko alam."
"Ano?!"
"Diba naikwento ko naman sa'yo?"
"Seryoso ka pala 'non? Akala ko pina-mysterious mo lang yung kwento?" Hindi ko alam kung mapapaface palm ako sa babaeng 'to or yung ulo na talaga niya ang iuuntog ko sa pader.
BINABASA MO ANG
Married to Unknown
Vampire12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching you.." -H THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLI...