Gemma
May hindi ba sinasabi sa akin si mama? Ngayong napapaisip ako, parang may mali. Para bang may kulang na hindi ko maipaliwanag? Kaso hindi ko alam kung ano lang 'yon. Kasi naman maraming nagsasabi na hindi ko kamukha si mama at papa pero hindi ko lang iyon inintindi pero ngayon napapaisip na ako. Ewan ko ba kung bakit bigla itong sumagi sa isipan ko. Hindi ako makatulog kaya pumunta nalang ako dito sa balcony para magpahangin.
"Ma? Pasensya na kung hindi pa kita nabibigyan ng hustisya sa pagkamatay mo." Napatingin ako sa langit. Siguro masaya na siya kasama si papa ngayon.
"Pero hayaan mo, gagawin ko ang lahat. Hahanapin ko kung sino ang may kagagawan nito." Naiyukom ko ang kamay ko. Iniisip ko palang yung kababuyan na ginawa nila sa nanay ko, hindi ko na masikmura. Sinong matinong tao ang kayang gumawa ng bagay na 'yon? Mali. Hindi sila tao. Mga demonyo sila.
Pinunasan ko yung mga luha na hindi ko namalayan at napahinga ng malalim. Ano na nga bang susunod sa buhay ko? Maayos na kami ngayon ni Luc pero ganito nalang ba? Laging may humahadlang sa pagsasamahan namin, hindi na matapos tapos yung mga natatanggap ko at para bang may mali sa nakaraan ko. Hindi ko lang alam kung tama ba 'tong kutob ko pero gusto ko nang matapos ang lahat.
Niyakap ko ang sarili ko, medyo nilalamig na ako kaya napag desisyunan kong bumalik sa kwarto kaso may yumakap sa akin mula sa likuran bago ko pa magawa 'yon.
Naramdaman kong isinandal niya yung ulo niya sa balikat ko saka hinila ako mas papalapit sa kanya. Sa ngayon hindi na ako nilalamig. Pakiramdam ko nga ang init init ng mukha ko. Paano niya nagagawa sa akin 'to?
"What are you doing here?"
"Wala. Nagpapalamig lang."
"Hm? Can't sleep?"
He knows me well. Tumango ako.
"What are you thinking?"
"Luc..."
"Don't ever think of leaving me again." Mas isiniksik niya yung ulo niya sa leeg ko. Hinawakan ko yung kamay niya at humarap sa kanya. Dahan dahan kong hinawakan yung ibaba ng mata niya. Halatang halata sa kanya ang pagod at stress at mukhang hindi siya nakatulog ng maayos. Parang hindi bampira 'tong kaharap ko, para sa akin, normal siyang tao.
"Bakit andito ka? Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" He frowned.
"I can't sleep without you."
"Luc! Put me down!"
"Sshh. Magigising mo yung kapit bahay."
"Luc!"
Binuhat niya ako nang walang kahirap hirap at inihagis sa kama. At bago pa ako makabangon, dinaganan niya agad ako. Ipinulupot niya yung kamay niya sa bewang ko at idinagan niya yung hita niya sa hita ko at tulad nung kanina, isiniksik niya yung ulo niya sa leeg ko. Alam kong pagod na pagod siya kaya hinayaan ko nalang pero kasi nabibigatan ako sa kanya kaya naman inayos ko yung posisyon namin. Nagreklamo pa siya pero parang ungol nalang kasi talagang tulog na siya. Isinandal ko yung ulo niya sa dibdib ko at hindi ko napigilan na paglaruan ang malambot niyang buhok.
"Goodnight Luc, sleep well."
****
Takbo lang ako nang takbo hanggang sa kapusin ako ng hininga. Maaga akong nagising dahil hindi talaga ako makatulog. Halos mamanhid na ang buong katawan ko sa kakatakbo kaya huminto muna ako sa gilid. Anong oras na ba? Mag aalas kwatro palang ng umaga? Ilang oras na ba akong tumatakbo?
Napagdesisyunan ko munang bumalik sa bahay ni Luc at baka may makakita na naman kasi sa akin na paparazzi, nalintikan na.
Hindi pa man ako masyadong nakakalapit nang may mapansin akong kakaiba. Napahinto ako at saka nagtago sa likod ng puno. Hindi ako sigurado kung tama bang magpatuloy ako ngayon dahil may lalaking nakatayo sa likod ng post light na medyo malapit lang sa gate. Hindi ko kilala kung sino dahil naka hood siya pero base sa tilta ng kanyang ulo, para bang nakatingin siya sa second floor ng mansion ni Luc.
BINABASA MO ANG
Married to Unknown
Vampiro12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching you.." -H THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLI...