That Past (part I)
------------------------
Buwisit na buhay.
Pasukan na naman at panigurado na makikita ko sina Stacey at Gabriel. Magkasama at Masaya sa piling ng isa't isa.
Bumaba na ako sa down stairs at nakita ko si mommy na bihis na kasama si daddy papuntang work. Napakunot ang nuo ni mommy.
"Amber, Bakit nakapangbahay ka pa?! Nakalimutan mo bang may pasok ka pa? Its already 8!" Sermon ni mommy. Pero alam kong concern lang siya sa akin kaya siya nagkakaganiyan.
"Mom. Ayokong pumasok." Natigilan si mommy. Pati si Daddy na inaayos ang suot niya.
Pareho silang nakatingin sa akin habang ako nakaupo sa huling hagdanan at nakapangalumbaba.
"W-What?!" Si dad na ngayon ang nagsalita.
Hinawakan ni Mom ang balikat ni Dad para pakalmahin. Nilapitan ako ni Mom.
"Tell me. What's your problem?" Bakas sa ekspresyon ng mukha niya ang pag-aalala. That's my Mom.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, basta napaluha na lang ako. Parang unti-unting bumabalik lahat ng pangyayare noong naghiwalay kami ni Gabriel.
Gabriel my love:
"Hey baby, good morning lets meet late. In the theme park. See you there. I love you, and i miss you.😘😘",
Kahit na nagtataka ako kung bakit hindi niya ako susunduin gayong alam naman ng mga magulang ko na may namamagitan sa amin. Pero ayos lang. Sembraek na namin ngayon at 2 days na kaming di nagkikita. Di ko rin alam kung bakit. Pero ayos lang. Naiintindihan ko naman siya. Angsabi naman niya eh may pupuntahan siya with his family.
Maaga akong pumuntang theme park. I think 12 nandun na ako. Bihis na bihis ako at talagang todo effort akong magbihis nun.
Pero halos mamaga na ang mata ko sa kakahintay sa kaniya pero wala pa rin siya.
Nitext ko na rin siya ng ilang beses pero di man lang siya nagrereply. Tinawagan ko na rin siya pero out of coverage.
Nicheck ko ang oras. Its already 7pm. At nilalamok na rin ako dito sa tabi ng isang tent.
Naiiyak na rin ako dahil sa mga negatives na naiisip ko. Akala ko ba miss na niya ako?
Miss ko rin naman siya ah?..
Nang biglang may pumatak na malamig na tubig sa balikat ko.
Napatingala ako. At bigla na lang nagtuloy tuloy ang pag ulan. Madilim at makulimlim ang kalangit na para bang nagbabadya ng malakas na pag ulan ngayong gabi. Madaming nagsitakbuhan papuntang lilim. Pero nanatili lang ako kung saan ako kanina pa nakaupo.
Tinignan ko ang cellphone ko. Basa na rin ito. Para na akong basang sisiw dito. Pagkaunlock ko sa cellphone ko ay nakita ko ang wallpaper ko. Na kaming dalawa ni Gabriel ang naruon habang masayang nakatingin sa isa't isa at suot suot namin ang couple shirt namin. Nagshot down ang cp ko.
Bigla akong naluha. Tinapon ko ito at umiyak. "Darn this life!!!!!!" Sigaw ko.
Biglang may nag abot sa akin ng payong or should i say, pinayungan niya ako. Napatingin ako dun sa nagpayong sa akin. Isang mascot ng malaking ibon.
Di ko iyun tinanggap instead tumakbo ako. Nakakainis. Bakit ba lahat ng pumapasok sa utak ko eh negative???.
BINABASA MO ANG
tula para sayo
Random"Everything was so perfect" sabi nila kapag mayaman at sunod lahat ng luho mo. Perfect nga ba? Kung mismong taong mahal mo ay hindi mo makuha?