Tula#9-Drawing

111 2 0
                                    

Drawing

———————————

Pagpasok namin sa room ay kaunti pa lang nanditong classmate ko. Wala pa rin si Mrs. Mariano. Ang terror naming substitute teacher ng adviser namin na kakapanganak lang last week. Di ko feel ang pagiging teacher ni Mrs. Mariano. Masyadong OA. OA siya dahil kahit konting pagkakamali mo lang ay magagalit na siya agad. Di pa naman niya ako napapagalitan, pero sa mga nakikita ko sa mga classmates kong laging napapagalitan ay sobra naman yata ang pagkagalit niya..

25 lang kaming magkakaklase dito. 12 na girls, 13 na boys (kasama na dun si bayot)

nang medyo madami na kami ay dumating na si Mrs. Mariano. Yung kaninang maingay at may sari sariling mundo ay nanahimik at tumino. Pati si France din ay tumahimik na kanina lang ay nakikipagchikahan sa mga girls about boys. Tch.

Nagsimula ng magdiscuss si Mrs. Mariano. About economics. Di ako makapagfocus.

Sa kalagitnaan ng pagdidiscuss ni ma'am. Ay biglang may pumasok na lovers. It's Gab and Stacey. While holding their hands together.

Biglang nag iba ang ihip ng hangin sa loob ng room kahit na air conditioned naman ang lahat ng room dito sa school namin.

"Why are you late, Mr. Santos and Ms. Dela Cruz.?" Mahinahon ngunit dama ang kakaibang bigat ng presensya ng pananalita niya.

Natahimik ang buong klase. Lahat sila ay nakafocus sa dalawang kararating lang. Napaiwas ako ng tumitig sa akin si Gab.

Hindi ko maintindihan kung ano ba ang iniisip niya ngayong nakatitig siya ng deretso sa akin. Si Stacey naman ay nakayuko lang kaya hindi niya pansin ang pagtitig sa akin ni Gab.

Nagdaan ang mahabang sermon ng aming teacher. At pinaupo na sila. At kasunod nun ay ang pagsulpot ni Ms. Caragay na may dalang papel na ibibigay kay Mrs. Mariano. Mahinhin ito at tahimik lamang. "Ma'am. This is the requirements of the new student." Mahinhin pa rin siya.

Mukhang bago lang ito dahil iba ang uniform niya kesa sa ibang teacher na matagal na rito. May naririnig ako about sa kaniya galing sa mga student na napagklasehan na niya. Mabait daw ito.

Kung titignan mo siya ng matagalan ay makikita mo nga na mabait ito

Biglang may pumasok na isang lalake.

Di ko siya pinansin. Nagfocus na lang ako sa notebook ko na kanina pa ako nagdodrawing ng kung ano.

May nabiyak na puso. At may drawing din ako na babaeng nakaluhod habang umiiyak. Meron din akong nidrawing na may nagtatagong babae sa isang puno habang nakatitig sa dalawang lover na sweet sa isa't isa. At kung ano-ano pang kadramahan ang nalalaman ko.

Napahinga ako ng malalim at natinakpan ang mga mata ko. Gosh! Don't tell me dito pa ako maluluha?!!!

tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon