That Past (part III)
----------------------------
Tinulak niya ko ng mahina. At sinabing "Hindi na kita mahal. Lets end this relationship. I will set you free. Malaya ka na." Tsaka na siya tumalikod. Then he smirked.
"N-No. Please." Pumiyok na ang boses ko at hindi ko na napigilan ang umiyak. "May nagawa ba akong mali?" Nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Feeling ko sa bawat pag hakbang niya ay di na siya muling babalik sa akin. At di na niya ako lilingunin para punasan ang mga luhang naglandas sa mga pisngi ko. Pero hindi eh.. di siya lumingon pabalik sa akin.
"GABRIEL!!!" sigaw ko at hinabol siya para yakapin patalikod. Mahigpit iyun at di siya pumalag. "D-Don't do this to me. Please. I loved you. I'm willing to pretend that we're okay. Please. Just stay." Umiyak ako ng umiyak
"Amber. We're done. Layuan mo na ako." Kasabay nun ay ang pagtanggal niya ng mga kamay ko sa nakapulupot niyang katawan.
— End of flashback —
"We're done." Yun na lamang ang tanging naisambit ko sa mommy ko.Biglang nag iba ang ekspresyon niya. Hindi ko maintindihan.
"Mom" sabay hawak ko ng kamay niya.
Bigla niyang sinandal ang ulo ko sa katawan niya. At marahang hinaplos ang buhok ko. Na para bagang pinapatahan ako sa pamamagitan nun.
Napaiyak ako sa gitna ng paghaplos niya ng buhok ko.
Feeling ko nakahanap ako ng sandalan ko. Sandalan na pwede kong maiyakan.
"Kaya mo yan. Ikaw si Amber Madrigal. Isang matapang na babae. Matalino at madeskarte. For now, you need to be strong. He's not the end of your life. Isipin mo na lang na isa lang siyang Experience." Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.
Hindi na ako nakapasok sa school dahil na rin sa pinagpahinga muna ako ni mommy dahil daw anglaki na ng eyebags ko.
Umalis na rin sina mommy para sa work for today.
Parang hindi ko kayang makita silang magkasama.
Angsakit isipin na bakit ang bestfriend ko pang si Stacey ang napili niya? Marami naman iba diyan ah! T^T
Nakakabanas.
I hate this. Pano pa kaya pag nakita ko silang magkasamang masaya? Siguro mas pipiliin ko na rin maging masaya.
Ang tanong,
Kaya ko bang maging masaya, gayong kabaligtaran nun ang nararamdaman ng puso ko?
BINABASA MO ANG
tula para sayo
Acak"Everything was so perfect" sabi nila kapag mayaman at sunod lahat ng luho mo. Perfect nga ba? Kung mismong taong mahal mo ay hindi mo makuha?