Munting Aral
---------------------
Oo,
Ramdam ko
Dahil,
Hindi ako manhid.Ramdam na ramdam ko na.
Ramdam kong nanlalamig ka na.
Ramdam kong may iba ka na.
Ramdam kong ayaw mo na.Ayoko mang magsalita,
Ngunit ito talaga ang katotohanan.
Katotohanang may iba ka na.
At iyon ay ang aking kaibigan.Kaibigan kong tinuring kong kapatid.
Kaibigan kong minahal ko ng buo.
Kaibigan kong naging sandalan ko.
At kaibigan kong tinuring kong totoong kapatid.Mahirap mang tanggapin
Ngunit alam kong ikaw ay masaya na
Hindi sa piling ko,
Kundi sa piling niya.Sana masaya na kayo.
Na ngayon ay kasama niyo na ang isa't isa.
Sana masaya na kayo.
Na ngayon ako ay mag isa na.Gusto ko mang magalit
Ngunit ayoko.
Dahil alam kong wala na akong karapatan.
Karapatan para magalit.Pero, salamat.
Salamat dahil ako'y natuto.
Natuto sa munting aral
Munting aral na naranasan ko, sa inyo.
BINABASA MO ANG
tula para sayo
Acak"Everything was so perfect" sabi nila kapag mayaman at sunod lahat ng luho mo. Perfect nga ba? Kung mismong taong mahal mo ay hindi mo makuha?