Thanks for her...
———————————
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Papasok ako ngayon sa aming school. Private school ang school na ito at puro mayaman ang nandito. Pero may mangilan ngilan ring hindi, pero scholar sila.
Kinakabahan ako na ewan. Hindi ako mapakali. Hindi rin ako makatingin sa paligid. Natatakot ako. Natatakot ako na baka makita ko silang magkasama.
"Amber!" Isang matinis at nakakairitang boses ang narinig ko mula sa likod ko. And its Jhon France. A.K.A. Francine.
Di ko siya pinansin bagkos, naglakad na ko paakyat sa fourth floor. Sinabayan niya ako sa paglalakad. Sabay sabing "Wow si Ate. Snub. Peymus ka? Peymus?." Sarkastiko nitong pagtataray.
Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Di pa ako nakakahakbang sa 2nd floor ay may narinig na akong tawanan. Pamilyar. At parang ayoko ng alamin kung sino ang dalawang iyun.
Babalik na sana ako sa ground floor para sa elevator na lang ako sasakay para makapuntang 4th floor pero bigla akong hinila sa braso at pinandilatan ni France. "Duwag ka ba?! Wag kang magpaapekto. Pano pa kaya pag nakita mo silang naghahalikan?! Siguro magbibigti ka na?! Wag kang tanga!" Sabay pitik sa nuo ko. "Maglakad ka lang ng straight!" Paalala niya sa akin at sinabay na niya ako sa paglalakad.
Sa paghakbang namin saktong pababa na ng ground floor sina Gabriel at Stacey habang magkaakbay at nagtatawanan.
Dumaan lang sila na parang wala silang nakita. Na para bang hangin lang kami—ako.
Ano bang inaasahan mo, Amber!? Na papansinin ka nila? Na magha-hi sila at tatanungin kung ayos lang ka lang? Ganun ba, Amber?!!
Hindi ko na napigilang mapaluha sa inakto nila. Wala ng nagawa si France kundi ang pagmasdan ako at tumunganga.
Bigla kong naramdaman ang pagyakap niya sa akin at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Walang masiyadong nagdaraan studyante
— Di ko rin alam kung bakit. Kaya okay lang na umiyak ako dito. Di pa naman kami late kasi 9am ang start ng class namin.Nagtuloy lang ako sa pag iyak ko. Bakit ba ang duwag ko?!
"T-Tama ka nga s-siguro Francine. A-Ang du-duwag ko. T-Tanga pa!" Sabay hagulhol ko.
Naramdaman kong huminga siya ng malalim. "Shhh... No. Sorry. You're not a coward. Even fool. No, you're not. You are strong woman. Kaya mo yan. Malalagpasan mo rin yan." Hinawakan niya ang balikat ko at hinarap niya ako sa mukha niyang puno ng kolerete. "Chin up" sabay wink niya. "Oh siya. Stop the drama at pasok na tayo sa first subject natin. Baka magalit pa ang terror nating teacher kapag mas nauna siya sa ating pumasok ng room. You know naman~" sabay irap niya sa kawalan.
Hayst. Di ko alam kung matutuwa ako o hindi sa ugali netong baklitang to. Ewan ko ba. Pero thanks for hi—her (peace!) dahil kahit papano naman ay gumaan ang bigat na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
tula para sayo
De Todo"Everything was so perfect" sabi nila kapag mayaman at sunod lahat ng luho mo. Perfect nga ba? Kung mismong taong mahal mo ay hindi mo makuha?