Tula#6-That past(part II)

90 2 0
                                    

That Past (part II)

------------------------------

Tumakbo ako hanggang sa sakayan ng taxi. Sa buong byahe nakatingin lang ako sa kawalan habang umiiyak. Tanong ng tanong yung driver kung okay lang ako, o kung may problema ba ako.

Nasabi ko rin sa kaniya kung ano ang iniisip ko at nararamdaman ko. Tutal hindi ko naman siya kilala kaya ayos lang.

"Mga kabataan nga naman." Tsaka siya umiling. "Ganiyan lang talaga siguro pag mga teenager. May mga problema na akala mo hindi mo kakayanin. Pero sa pag daan ng mga araw di mo rin mamamalayan na kaya mo pala. At tandaan hija, di porket pinapakitaan ka ng isang tao ng maganda o mabuti, ay mahal ka na niya agad. Oh sige hija, dito na ang village niyo. Pwede ka ng bumaba."  Di ako makapagsalita. Parang umurong ang dila ko. Binigay ko sa kaniya ang one thousand at sinuklian niya ako kaso di ko na tinanggap.

"Just keep he change, Manong. Salamat po" lutang kong paalam.

Nakakagaan ng loob. Pero bakit ganun?? Parang apektadong apektado ako sa huling sinabi ni Manong??

di porket pinapakitaan ka ng isang tao ng maganda o mabuti, ay mahal ka na niya agad.

di porket pinapakitaan ka ng isang tao ng maganda o mabuti, ay mahal ka na niya agad.

di porket pinapakitaan ka ng isang tao ng maganda o mabuti, ay mahal ka na niya agad.

What does it means??

Naglakad ako patungong bahay namin. At sa paglalakad ko, napadaan ako sa isang playground na di kalayuan sa akin. Madilim na ang paligid pero may buwan para magbigay ng kaunting ilaw.

May nakita ako dun sa swing na naghahalikan na para bang wala ng bukas.

Di ko na sana ito papansinin pero biglang nagsalita yung babae sa gitna ng paghahalikan nila.

"Ugh. Gabriel~" unti unting bumaba ang halik nito sa leeg niya.

And i know kung kaninong boses iyun. It's Stacey's voice.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong napahagulhol. Lalo na nung nakumpirma ko talagang sila ngang dalawa iyun.

Tinakpak ko ang bibig ko para mapigilan ang paglakas ng hagulhol ko.

Sabay silang napatingin sa akin. Bigla kong naramdaman ang pangangatog ng mga binti ko nang walang ibinigay na ekspresyon ang BEST FRIEND ko pati na ang BOYFRIEND ko. May ibinulong si Gab kay Stacey sabay kagat niya sa labi ni Stacey at pinanggigilan pa ito. Tumawa lang si Stacey na parang sarap na sarap sa halik ni Gab.

Umalis na lang ako pero nang biglang lumapit sa akin si Gabriel. Tinatagan ko ang sarili ko at pinigilang wag umiyak.

"Amber." Tawag niya sa akin. Medyo malayo na rin kami sa playground kung nasaan si stacey.

Lihim kong pinunasan ang luha kobat humarap sa kaniya ng nakangiti. "Hey. Gab! Don't worry. Wala akong nakita." Saby thumbs up ko sa kaniya.

Pero feeling ko may humarang sandamakmak na bato aa lalamunan ko.

"A-Ambe—" lumapit siya sa akin.

Pero niyakap ko siya. "It's okay, Gab. Mahal kita, at alam kong mahal mo rin ako. Diba? Kakasabi mo pa nga lang kanina diba?"  Iniwasan kong pumiyok ang boses ko.

tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon