Corny.
——————————
Nagdaan ang ilang araw na laging sunod ng sunod sa akin si Tristan. Oo, siya yung bagong classmate namin. At sa ilang araw na yun, ay may nalaman ako tungkol sa kaniya.
Angdaldal niya. Promise.
"Hoy! Bat natatawa kang mag isa jan?" Nagulat ako nang nay sumulpot sa harap kong unggoy galing sa itaas ng puno ng acacia. Ba't siya andun?! Baliw ba siya?!
"Unggoy ka ba?!!!! Bakit ka andun?! Alam mo bang pinagbabawal ang pag akyat sa puno?!" Untag ko sa kaniya.
"Oh. Nag aalala na naman siya oh. Tats ako." Sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.
"Wag ka nga! Nag aalala mo muka mo!" Sabi ko sa kaniya.
"Pero, bakit ka nga tumatawa mag isa jan? Anong iniisip mo? Ako ba?" Sabik niyang tanong.
"Ha.ha. asa ka!" Sagot ko sa kaniya sabay baling ko sa ginagawa ko. Gumagawa ako ng tula. Na lagi kong ginagawa. Bigla siyang sumilip sa ginagawa ko. "Mind your own business please." Sabi ko sabay talikod sa kaniya.
Di na siya nagsalita. Ewan ko ba dun. Nandito lang kami sa likod ng aming building. Tahimik. At walang gustong mang asar.
Pero nagkamali ako.. bigla niyang hinablot ang notebook mo sabay takbo habang tawa ng tawa. Nagbelat pa ang buwisit.
Sa gulat ko ay di na ako makagalaw. Pero di ko napigilan ang sarili kong magalit. Tumakbo ako sa kaniya na ngayon ay may tinitignan ang mga gawa ko.
"Akin na nga yan!!" Untag ko sa kaniya
Pero bigla naman niyang sinauli. Sabay sabing. "Ang corny naman yan. Oh. Sayo na." Aniya.
Bigla ko siyang sinamaan ng tingin kahit na nakatalikod siya sa akin pabalik sa puwesto namin kanina. Bigla kong tinanggal ang sapatos ko sabay bato sa kaniya. Natamaan siya sa batok kaya napamura siya ng wala sa oras.
"Sh*t. Amber?! Bakit ko yun ginawa?!!!! Angsakit ah!" Halata ngang masakit dahil yung edge ng salatos ko ang tumama sa kaniya.
"Sinabi mo kasing angcorny! Corny mo mukha mo!" Sabay lakad ko para masuot ko ang sapatos kong nasa paanan niya. Paika ika akong naglakad dahil ayokong marumihan ang sacks ko na color white.
Nagulat ako nang isusuot ko na sana ay kinuha niya ang sapatos ko at kinuha ang paa ko. Tinanggal niya muna ang ilang damo damong nadimit sa sacks ko at saka isinuot sa akin ang black shoes ko.
"T-Tris—" di ko na naituloy ang sasabihin ko ng umalis na siya para umupo sa pwesto niya kanina.
Wala na akong nagawa kundi ang ayusin ang sarili ko at maupo na rin ddoon ayos lang na maupo kami duon dahil may mga bato naman duon para maupouan.
"S-Salamat pala. Then, sorry" apologize ko. Masyado yata akong bad sa kaniya.
"Ayos lang." Sabay ngiti niya.
BINABASA MO ANG
tula para sayo
Acak"Everything was so perfect" sabi nila kapag mayaman at sunod lahat ng luho mo. Perfect nga ba? Kung mismong taong mahal mo ay hindi mo makuha?