Tula #12-Cheer

77 2 0
                                    

Cheer

—————————

Nagpunta na ko sa gymnasium na lutang na lutang pa rin sa mga nangyayare sa akin.

Naupo ako sa dulong upuan. Nakatingin lang ako sa mga studyanteng nagpapalipas ng oras habang wala pang time para sa next subject nila.

Biglang may lumapit sa akin. Tulad ng lagi kong ginagawa sa kahut kanino ay di ako namansin. Wala akong oras para makipagkilala o makipag usap kahit kanino.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. At napagtanto ko na siya yung bagong kaklase namin. Pero di ako nagpatinag.

"Oh. Easy. Miss. Lagi ka na lang nag iisa ah? Gusto mo bang samahan kita? Di rin lang naman kasi ako makikisali sa kahit saang sports." Aniya. Sabay tingin sa malayo.

Bakit siya ganiya? Sinungitan na nga. Parang wala lang sa kaniya. Angdaldal pa niya!

"No. I don't." Sagot ko. Sabay kain ng burger ko. Sayang naman kung hindi ko kakainin. At saka gutom na rin ako.

Di na siya sumagot. Dumating na rin kasi ang teacher namin sa PE. At nagsisialisan na rin yung ibang studyante.

Nakita kong naka jersey ang ibang boys sa amin. Kasama na dun si Gab. May taga ibang section na siguro ay makakalaban nila sa basketball.

Yung iba naman ay di na sila nakapag PE dahil sa nanuod na lang sila. Nauuna duon si Stacey. Si France naman ay tumitili kasama ng ibang girls. Chinicheer nila ang section namin. At sinisigaw nila ang pangalan ni gab.

"GO GAB!!! I LOVE YOU!" Sigaw ni Stacey na rinig ng lahat. Napangisi si Gab na nakatingin na ngayon sa kaniya. Bigla niyang kinindatan si Stacey.

I can't take this anymore.

Pinunasan ko ang labi ko. Tsaka na ko umalis. Tumakbo yung lalake kanina para sabayan ako. "Di ka ba manunuod? Di mo ba ichicheer ang section natin? Si Gab." Natatawa niyang sabi na animoy parang tulad ko rin ang ibang girls na titilian siya.

Sana, ganun nga. Kaso hindi eh. Noon yun. Lagi kong ginagawa iyun. Dati ako lang yung magpapangiti sa kaniya sa court except kapag nakakapuntos siya sabay tingin sa akin at magfaflying kiss siya sa akin. Pero iba na ngayon ang takbo ng mundo namin. Wala na yung noon. Tapos na yun.

"Bakit bigla kang natahimik??" Tanong niya.

"Lubayan mo nga ako!" Sabi ko sabay takbo papuntang rooftop.

Feeling ko kasi nagbabadyang luluha ang mga mata mo. Luha, na siya lang ang nakakagawa sa akin. Luha, na laging dumaragsa sa mga mata ko sa tuwing naaalala ko ang nakaraan. At mga luhang laging naglalandas sa mga pisngi ko. Wala akong pakealam kung may nakakakita sa akin sa may hallway na umiiyak. Alam na nila siguro ang balita. Na wala na kami. Oo. Madaming nakakaalam na merong KAMI. 2 years din kaming magkarelasyon. Na parang bulang nawala lang.

Iniyak ko na lang ng iniyak pagkarating ko sa rooftop. Malakas ang iyak ko na para bang wala ng bukas.

Pagod na ako. Sawa na ako. Ayoko na..

tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon