Burger and Juice
——————————
Nung recess na, ay nagpunta ako sa locker ko para ilagay duon ang ilang notebooks ko at para na rin kunin ang PE uniform ko. May PE kami mamaya kaya naman kahit ayokong sumama sa kahit na anong sports, ay kelangan ko pa ring mag uniform dahil maaabsent ako.
Si France naman ay may ibang kasamang girls. Ayos lang sa akin na sumama siya sa iba dahil alam naman niyang gusto ko pang mapag isa.
Nung nakapagpalit na ako ay dumaan muna ako sa cafeteria para bumili ng makakain. Bumili lang ako ng juice at burger. Hawak ko lang sa kamay ko ang juice at burger ng marealize na ito rin yung unang nilibre sa akin ni Gab.
Flashback
Habang nakapila ako sa cafeteria ay naiinip na ako dahil sa gutom na gutom na ako.
Ang haba pa ng pila.
Bigla kong nahagip sa paningin ko si Gabriel. Ang ultimate crush ko nuong freshmen pa ako.
Classmate ko siya. Kaso nahihiya pa rin ako na lapitan siya o kausapin man lang siya. Napahawak ako sa tiyan ko nang malakas itong tumunog. Napansin yata niya ang paghawak ko sa tiyan ko. Bigla siya lumapit sa akin. Nagpatay malisya ako na parang walang alam sa nangyayare.
"A-Amber—" tawag niya sa akin. Tinawag siya ng mga kabarkada niya kaya di na niya natuloy ang sinasabi niya. "Ah. Wala. Sige. A-Alis na ako. Kita na lang tayo sa room." Sabi niya.
Halos mawalan ako ng lakas pag alis niya. Buwisit. Nangangatog ang tuhod ko. Shet!!!
Biglang lumapit sa akin si France at Stacey na tinutukso ako. Psh.
Hinayaan ko na lang silang magdaldal. Nang turn ko na, nanlumo ako sa sinabi ng nagtitinda. "Sorry hija, wala na kaming paninda. Magsasara na rin kami pamaya maya." Sabi niya.
Wala namang pake yung dalawa. Dahil sa may nginunguya na sila. Ewan ko kung san galing yun. Siguro nanghingi hingi sila sa mga kakilala nila. Tch. Parang wala naman silang pambili. Namumulubi na ba sila?! Gosh!
"Amber. Labas lang kami saglit. Magboboy hunting lang kami ni Beks." Sabay hila ni Stacey kay France.
Wala na rin akong nagawa nung tumakbo na sila.
Naglakad ako palabas ng cafeteria. At sa paglabas ko ay may naramdaman akong humila ng Braso ko. Hindi naman mahigpit kaso nabigla lang ako. Mas nabigla ako nang makita kung sino ang humila sa akin.
Bigla niyang binitawan ang braso ko ng mapagtanto niyang nagulat ako. "S-Sorry. Nagulat ba kita?" Aniya.
"G-Gab. I-Ikaw pala yan. H-Hindi naman masyado, sakto lang.." Umayos ako ng tayo.
Natawa siya sa sinabi ko. Ha? Nagpapatawa ba ako?
Angcute niya. Lalo na kapag tumatawa siya.
Natigilan siya nang makita niyang nakatitig ako sa kaniya. Nakita kong namula ang tainga niya. Napakamot sjya ng ulo niya. "D-Don't look at me like that, A-Amber." Aniya.
Di ko na lang pinansin yun. Baka normal lang sa kaniya yun. "Anyway. Alis na ko, Gab." Sagot ko.
Aalis na sana ako ng may inabot siya sa akin. Napatingin ako sa inaabot niya.
Burger tsaka isang lemon juice.
Napatingin ako sa kaniya. Di siya nakatingin sa akin. "G-Gab. A-Ano yan?" Tanong ko kahit na alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.
"I know. Gutom ka na. Take that." Sabay tingin niya sa akin ng deretso.
End of flashback.
BINABASA MO ANG
tula para sayo
Acak"Everything was so perfect" sabi nila kapag mayaman at sunod lahat ng luho mo. Perfect nga ba? Kung mismong taong mahal mo ay hindi mo makuha?