Tula#3-Nakakainis

200 3 0
                                    

Nakakainis.

---------------------

Nisipan kong maglakad lakad muna saglit sa labas  Village namin. Nagsuot ako ng jacket para maproteksyonan ang sarili sa lamig ng panahon ngayon. Masarap damhin ang simoy ng hangin ngayon. Lalo na at umagang umaga pa lang. Magandang mag muni muni sa gitna ng paglalakad kahit mag isa ka lang.

Tulog pa sina mom and dad sa room nila, naiintindihan ko naman kung bakit, dahil sobrang busy lang talaga sila sa work. Ang mga kasambahay, hardinero, gwardya at iba pa ay nag umpisa na ring gawin ang kanilang trabaho. Nagpaalam ako sa isang kasamabay namin na lalabas lang ako saglit para magpahangin. Lagi ko itong ginagawa tuwing walang pasok o di kaya ay walang magawa sa bahay.

Binulsa ko ang dalawa kong kamay sa bulsa ng jacket ko.

Walang hood ang jacket ko, nakayuko lang ako habang malalim ang iniisip.

I still love him..
I still remember the day he kissed me.
I still remember his love

Naramdaman ko ang init ng luha ko sa kaliwang pisngi ko. Agad ko itong pinunasan gamit ang kanang kamay ko.

Nung medyo madami ng taong nagjajogging ay naghanap ako ng mauupuan dahil nararamdaman ko na ang pagkirot ng mga binti ko. Nakahanap ako ng isang bench na bakante.

I hate this feeling!! Yung tipong anghirap makalimot sa nakaraan?? He's my first boyfriend. And i hate it. Kasi bakit kaibigan ko pa ang ipinalit niya sa akin??

Dito sa pwesto ko, walang masyadong tao kaya okay lang na umiyak ako. Nakakainis!!! Wala na akong karapatan pang pagbawalan siya. Kasi wala naman ng kami. Tapos na kami. Dahil meron nang sila.

"Miss. Panyo oh." Natigilan ako dahil biglang nay nag abot sa aking handkerchief.

Hindi ko iyun tinanggap. Instead, pinagpatuloy ko lang ang pag iyak.

Umupo siya sa tabi ko. Hindi siya masyadong dumikit sa akin. Narinig ko siyang nagbuntong hininga.

"Ang pangit mo namang umiyak, Miss." Sabi niya at nakita ko siya sa peripheral vision kong nakatingin siya sa akin ng seryoso.

Hindi ko siya pinansin kahit na gusto ko na siyang hambalusin. Bakit ba niya sinasabi yan sa akin?! Si Kuya Austin lang ang nagsasabi niyan sa akin.!!!

"Oh! Ba't ka naman jan lalong naiyak??" Sabi pa niya habang natatawa.

Tinignan ko siya ng masama kahit na may nangingilid ng luha sa magkabilang mata ko.

"Oh easy." At lumayo pa siya. "Nagbibiro lang ako. Bakit ka ba umiiyak jan mag isa? Nawawala ka ba? O hindi ka ba taga dito at di mo alam ang daan pabalik sa inyo? Ako rin di taga rito sa village. Mayayaman lang kasi pwede dito diba? Oh siya. Alis na ko. Gusto mo bang sumabay na sa akin palabas ng village?" Mahabang sabi nito.

Tumayo na siya habang nakapamulsa ang kamay niya sa bulsa. Parang hinihintay lang niya ako. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag lalakad pabalik sa bahay namin.

Napalayo na pala ako. Malapit na ito sa daan palabas ng village.

Tumakabo siya palapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko. "Teka miss. Di diyan ang daan palabas ng village." Him

Tumingin ako sa kaniya ng masama. "Can you leave me alone???!" Sabi ko at tinanggal ang kamay niya sa braso ko.

Wala na rin siyang nagawa ng yumuko ako at nagpunas ng luha tsaka na umalis. Nakakainis.

tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon