Isa ka ba sa mga taong nakakaranas ng mga kabiguan sa buhay.? Malamang ay naisipan mo na rin na tapusin ang mahal mong buhay..? Kung ganoon hindi nalalayo ang kuwento mo sa buhay ni Hikari o "kari" Martinez. Isa lang siyang simpleng babae na walang ibang hinahangad kundi ang may magmahal sa kanya ng totoo at tapat. Ang paniniwala niya sa buhay lahat ng bagay ay laging may magandang katapusan pero sa mga nararanasan niyang paghihirap at kabiguan ay parang unti unti nang nawawala ang paniniwala niyang ito. Tunghayan natin ang kuwento ng buhay niya.
Dumating pa kaya ang "happy ever after" ng buhay niya o mananatili na lamang siya sa mundo ng kabiguan? May magmahal kaya sa kanya ng totoo at tapat? Matapos na rin kaya ang mga paghihirap niya? abangan...