I'm With You Part 9

22 0 0
                                    

Magkasama silang naglalakad sa madilim na daan. Kapwa basa ang mga damit. Nauuna siya sa paglalakad at nasa likod niya ito. Dahil sa gabi na at mas malamig ang simoy ng hangin. Nayakap niya ang sarili niya. Muntik na siyang napalundag nang makaramdam ng kung ano na lumapat sa balikat niya.

Nilingon niya iyon. Ang lalaking iyon nilalagay sa kanya ang coat nito.

"Malamig diba.? Pasensiya na pero basa din kasi ito pero kahit papano eh makakatulong pa rin ito" sabi nito habang patuloy sa ginagawa. 

"Salamat" ang tangi niyang nasabi. Nagpatuloy siya sa paglalakad. 

Pero hindi pa lumlipas ang ilang minuto ay huminto ito sa harap niya at umupo nang patalikod sa kanya.

"Pasan na." sabi nito

"Ha?" sabi niya

"Sige na. Ngayon lang ako mabait kaya lubos lubusin mo na"sabi nito

"Eh Bakit naman..?"

"Tingnan mo nga yang paa mo wala ka man lang tsinelas "sabi nito 

I'm With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon