Si Hikari o Kari ay isang receptionist sa isang kilalang Hotel sa Manila. Bagong salta pa lang siya sa trabaho niyang ito. Bata pa lang siya nang mamatay ang kanyang ama dahil sa away sa lupa noong nasa probinsiya pa siya noon ay anim na taong gulang pa lang siya. magmula noon ay sila na lamang ng kanyang ina ang naiwan upang mabuhay. Maging ang lupa na sinasaka ng kanyang ama ay kinuha na rin sa kanila.
Namasukan ang kanyang ina bilang labandera sa isang mayaman na pamilya upang buhayin lamang siya. Pero hindi pa lumilipas ang dalawang taon mula nang mamatay ang kanyang ama ay agad ding kinuha ang kanyang ina, aksidente itong nasagasaan ng isang kotse habang naglalakad pauwi sa kanila. Labis ang naging pighati niya noon maging ang mga nakakakilala sa kanila ay awang awa sa kanya dahil sa sinapit niya.