Parang wala sa sarili na naglalakad si Kari sa madilim na kalsada na iyon. Wala siyang suot na sapatos at suot niya pa ang Uniform niya sa hotel. Tulala at basang basa ang mukha niya ng luha. Napadaan siya sa isang tulay mataman niya iyong pinagmasdan.na para bang meron siyang nakikita doon. Dahan dahan siyang lumapit doon,tinitigan ang may kadiliman na tubig na nasa ilalim niyon. Wala sa isip niya na tumuntong siya sa tulay.
Hindi niya na kaya ang lahat. Bakit ba kailangan na lagi siyang nabibigo sa buhay? Wala naman siyang ibang hangad kundi ang mahalin at magmahal. Wala siyang ibang gusto kundi ang simpleng buhay na hinangad niya noon pa mang bata siya. Pero kahit iyon yata ay hindi niya na makakamtan pa...