"Hoy.Miss? " sambit ng isang lalaki na bumungad sa kanya pagmulat niya ng mata niya.
"Sino ka?" tanong niya dito.
"Ako lang naman ang nagligats sayo.Ano bang pumasok sa isip mo at tumalon ka sa tulay na iyan. Pero ayos lang din kasi hindi naman malalim eh" sabi nito.
Bumangon siya mula sa pagkakahiga at tinitigan ang mukha ng lalaki.Tinitigan din siya nito.
"Salamat ha... ako na nagligtas ako pa nagpasalamat. Ibang klase talaga .." sabi nito habnag pailing iling pa.
"Ahm salamat.." sabi niya sabay tayo. Basang basa ang damit niya.Naglakad na siya palayo sa lalaki.
"Hoy ganon na lang ba iyon. Niligtas kita ah.." sabi nito
"Nagpasalamat na naman ako sayo ah.." sabi niya.
"Ang ayoko sa lahat ang nakakikita ng babaeng nasasaktan" mahinahon nitong sabi sabya titig sa mga mata niya. Makikita niya doon ang sincerity na kahit kailan ay hindi niya pa nakita sa iba.