I'm With You Part 5

26 0 0
                                    

Dahil sa isang pagkakamali niya sa trabaho ay pinagalitan siya ng Supervisor niya hindi naman niya iyon dadamdamin kung hindi siya nito pianahiya sa harap ng mga katrabaho niya.

Umuwi siya sa apartment nila ng kaibigan niyang si Karla. Madilim sa paligid kaya naisip niya na maaring wala pa ito. dahil pagod at may kasamaan ang loob niya ay hindi na siya nag abala na buksan pa ang ilaw dire diretso siyang pumasok sa kuwarto na inookupa nila ni Karla. 

Upang matigagal lang sa eksenang nakita niya. Kahit madilim ay kitang kita niya ang nagaganap. Si Karla may kahalikang lalaki na walang iba kundi si Bert. Natigil ang dalawa sa ginagawa at napatitig sa kanya.

"Kari" ang tanging nasambit ni Bert.

Wala ni isang salita na lumabas sa bibig niya. Dali dali siyang lumabas sa apartment at patakbo na lumayo sa dalawa. 

"Mga walang hiya..." paulit ulit niya na sinsambit iyon habang patuloy sa pag iyak. Bakit sa dinami dami ng tao sa mundo ay ang dalawa pang iyon ay gagawa niyon sa kanya. 

I'm With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon