I'm With You Part 3

28 0 0
                                    

Kapag ang isang tao ay may ginusto sa buhay gagawa at gagawa siya ng paraaan para makuha iyon. Dahil doon kaya hindi nagpatalo sa Kari sa tiya niya. Inutusan lang siya ng tiya niya pero hindi na siya bumalik pa. Dinala niya lahat ng pera na naipon niya mula sa kakarampot na baon na binibigay sa kanya ng tiya niya. Wala siyang ibang dala maliban sa ilang piraso ng damit na ipinatago niya sa kaklase niyang si Anne. 

Dala ang pangarap na mababago niya ang buhay niya ay nagtungo siya sa Maynila. Pagdating doon ay marami pa ang dinanas niyang hirap. Nahirapan siyang mag enrol dahil sa kulang ang pera niya pero dahil kahit papano ay may mga tao pa rin na mabubuti ay nakapag aral pa rin siya. Pinasok niya ang lahat ng trabaho na pwede niyang pasukan para lang maitaguyod niya ang sarili niya. 

Dumating din sa buhay niya si Bert kapwa niya estudyante. Si Bert ang lalaking nagmahal sa kanya, ang nobyo niya. Pinakita nito sa kanya ang lahat ng pagpapahalaga na ginagawa ng isang lalaki sa isang babae. Para sa kanya ay hindi siya nagkamali ng desisyon nang tumakas siya sa tiya niya dahil nararanasan niya na ngayon lahat ng para sa kanya ay buhay na pinapangarap niya.

I'm With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon