"Mga letse talaga itong mga galamay ni Mama.Sinabi nang ayoko eh.. ugh nakakainis ka Mama.." sabi ni Kei habang ahabol ang hininga na tumatako palayo sa mag galamay ng Mama niya. palingon lingon siya sa mga humahabol sa kanya. Kahit madilim ay tuloy pa rin siya pagtakbo. Nakarating siya sa isang madilim na tulay..
NIlingon niya ang mga humahabol sa kanya. Nawala ang mga ito. Huminto siya saglit sa isang bahagi ng tulay upang maghabol ng hininga. Paling linga siya sa paligid. May kung ano siyang nakita. "Babae?" sambit niya.
Napasinghap siya nang makitang tatalon ito. Dali dali siyang tumakbo sa direksiyon nito. Pero huli na nag lahat nakatalon na ang babae. Nakatingin lang siya doon pero nang marinig niya nag boses ng mga tauhan ng mama niya ay tumalon na din siya sa tubig na iyon..