I'm With You Part 2

27 0 0
                                    

Kahit walong taong gulang pa si Kari ay siya na ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay. Buhay donya ang magaling niyang tiya. Ginagawa niya ito habang nag aaral natiis niya nag pangmamalupit ng tiya niya hanggang dumating ang panahon na tapos na siya ng high school. Napagdesisyunan niyang umalis na ng tuluyan sa tahanan na iyon.

"Ano!? At bakit ka aalis dito?" mataray na sabi ng tiya niya

"Gusto ko pong mag aral ng kolehiyo tiya" mahinahong sabi niya.

"Hindi! hindi ka aalis at dito ka lang naiintindihan mo?" sabi nito sabay hatak  sa buhok niya at hinila siya papasok sa silid niya. Itinulak siya nito na parang basura na itnapon lang. Walng siyang ibang nagawa kundi ang umiyak nang umiyak.

Pero alam niya na hindi doon natatapos ang lahat dahil gagawa at gagawa siya ng paraan para makawala sa buhay na iyon dahil buo pa rin ang  paniniwala niya na matatapos din lahat ng paghihirap niya sa buhay.

I'm With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon