I'm With You Part 4

26 0 0
                                    

Naging napakasaya ng mga araw na iyon para kay Kari dahil kahit papano ay naging maganda at maayos ang buhay niya. Nakatapos na siya ng pag-aaral at dahil doon ay madali rin siyang nakahanap ng trabaho. At ngayon nga ay nagtatrabaho siya sa isang kilalang Hotel. Apat na taon na rin ang relasyon nila ni Bert para sa kanya ay walang pinagbabago ang nobyo niya kahit miminsan na lamang sila kung magkita dahil naging abala na rin ito sa pagtatrabaho.

Maayos na sana ang lahat kung hindi lang naging napasungit at strikta ng naging Supervisor niya sa Hotel bilang receptionist. Pero binabalewala niya lang yun.

Lahat nga siguro ng bagay sa mundo ay may katapusan dahill ang sandaling kaligayahan na nararanasan ni Kari ay nagkaroon ng hangganan at muling nanumbalik ang lahat ng paghihirap ng kalooban na naranasan niya noon.

I'm With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon