S3: Assume
~Samantha's POV~
Hindi ako makatulog noong gabing iyon.
Nakatatak na sa utak ko ang sinabi ni Adrian.
"Edi sana, matagal nang tayo."
"Edi sana, matagal nang tayo."
"Edi sana, matagal nang tayo."
"Edi sana, matagal nang tayo."
Ugh! I placed my pillow on top of my head and I started to roll side to side on my bed.
Alam kong lasing siya at ang mga lasing, kadalasan nalilimutan ang mga sinasabi nila. Mga wala sa sarili at hindi alam kung ano ang pinagsasabi.
But I can't help myself to assume. This is a dream come true, kung totoo nga ang mga sinasabi niya.
Nakatulog na siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Ako naman, hindi makatulog sa sobrang pag-iisip. Grabe!
2:38 nang maisipan kong huwag na lang matulog. Kung matutulog naman ako, halos tatlong oras lang dahil maaga akong pumapasok. Bitin yun!
Pumunta ako sa kusina. Nagluto ako ng soup hindi para kay Adrian, kundi para sakin. Matapos ang ilang minuto ay kinain ko na ang soup na ginawa ko. It took me just five minutes to finish a whole bowl.
Hindi ako nakuntento kaya napag-desisyonan kong magluto na lamang ng champorado para pagkagising ni Adrian, ay may makain kami.
3:40 nang maapos akong magluto. Kumuha ako ng isang bowl. Mga bandang 4' nang magising si Adrian at pumunta sa kusina.
Nagtaka ako nang makita siyang okay na okay. Para bang hindi siya nalasing kagabi. Diba kapag lasing, tulog-mantika?
"Oh, Adrian. Bakit ang aga mong magising? Matulog ka ulit para makapagpahinga ka. Maaga pa naman, eh."
Kinamot niya ang ulo saka umupo sa upuang nasa harap ko. "Ayoko. Saka, ano bang nangyari kagabi? Bakit ako nandito?"
Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko. Bumalik na naman sa utak ko ang mga sinabi niya.
"N-Nalasing ka kasi kagabi. Pumunta ka dito sa apartment." sabi ko saka ibinaba ang tingin sa champorado. Sumubo ako ng isang kutsara nito at hindi na muli itinaas ang paningin.
"Talaga? Hmm..."
Palihim akong tumingin sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang hawak-hawak ang phone.
BINABASA MO ANG
SWEETHEART 1: A Bestfriend's Disadvantage
Jugendliteratur❌ I'm his rebound, and I wholeheartedly accept it ❌ Everything has its pros and cons. Having a bestfriend also does. Bestfriends set their limitations to each other. No matter how close they are, it will never erase the fact that their relationship...