S20: Kidnapped
[MEDYO LONG UPDATE]
~Samantha's POV~
Jusko! Anong kasalanan ang ginawa ko para parusahan niyo ako ng ganito?
Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Kasalukuyan naming hinihintay ang order namin ni Adrian.
I don't know but I feel nostalgic. Bumalik sakin bigla ang mga moments namin ni Adrian noon. Lalo na ang first date namin.
I tapped the table with my fingers while awkwardly looking at the surroundings. Marami-raming tao, pero not that napakarami. Sakto lang dahil occupied lahat ng seats.
Dumaan ang tingin ko kay Adrian. At bahagya kong naitigil ang pag-tap sa mesa nang makitang nakatitig siya sakin.
Agad siyang napaiwas ng tingin. Siya na ngayon ang nagta-tap sa mesa saka tumitingin sa paligid.
Oh-kay?
Pagkadating na pagkadating ng mga pagkain namin ay agad kaming nagsimulang kumain NANG TAHIMIK. No one wants to start a conversation.
Humiwa ako sa roasted chicken saka kinuha ang kanin. Habang kumakain ay nakikita ko ang pagsulyap-sulyap sakin ni Adrian.
Awkward.
Kumain lang ako ng kumain. Ramdam ko pa rin ang mga tingin niya. Pero kahit ganun ay nilasap ko pa rin ang pagkain.
Gutom ako, eh!
Pagkatapos kumain ay sumandal ako ng komportable sa upuan. Pagkatingin ko kay Adrian ay nakita kong nakatingin na naman siya sa akin. And again, umiwas siya ng tingin.
Tumingin ako sa plato niya. Wala pa sa kalahati ang bawas sa kanin.
Nabusog ba siya? O ang mga mata niya kakatitig sakin?
Grrr!
"Ang bagal mo naman kumain. Kung tapos ka na, lumabas ka na lang doon. Hihintayin kita."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nag-iwan siya ng P1000 bill sa mesa. Tumayo siya saka lumabas ng restaurant.
Napanganga ako saka tumawa. "Wow! Ako pa talaga ang mabagal? Eh siya nga 'tong, hindi halos kumain!" pabulong kong sabi.
Lumabas ako saka sinundan siya.
"Let's go! You must be in a real hurry so let's make it fast!" sigaw ko sa kanya. Well not totally sigaw. Lumakas lang ng konti ang boses ko.
BINABASA MO ANG
SWEETHEART 1: A Bestfriend's Disadvantage
Teen Fiction❌ I'm his rebound, and I wholeheartedly accept it ❌ Everything has its pros and cons. Having a bestfriend also does. Bestfriends set their limitations to each other. No matter how close they are, it will never erase the fact that their relationship...