EPILOGUE
~Samantha's POV~
After 3 years
Naluha ako habang tinitignan ang lapida niya. Pinahiran ko ang luhang iyon saka binaba ang dalang bulaklak sa tabi ng lapida niya.
"Masaya siguro diyan sa langit, noh?" sabi ko saka ngumiti.
Nagbalik sakin ang mga alaala naming dalawang magkasama. Kahit papano, naging mabait naman siya sakin.
Pinunasan ko ng dalang face towel ang pangalan sa lapida niya. Napahinto ako sa apelyido niyang Bartolome.
Bahagya akong nagulat nang may umakbay sakin. Pagkatingala ko ay nakita ko si Adrian na nakangiti sakin. Pero kita ko ang pagkalungkot sa mga mata niya.
Tumingin na din ako sa lapida ni Heart. Hindi ko alam kung anong dahilan niya bakit niya binaril ang sarili niya noon. Dahil ba masaya na siya? Dahil ba tanggap na niya kami ni Adrian?
Patuloy ako sa pagpunas ng lapida niya. Heart Cruz-Bartolome.
"Daddy! Tita Sam!"
Umalingangaw ang boses ni Erin sa paligid. Napatigil ako saka nakangiti silang nilingon. Tumakbo silang dalawa ni Hian papunta samin.
Mabilis kong pinunasan ang luha ko sa mata. Agad ko silang sinalubong saka niyakap.
"Tita! Bakit kayo nandito ni Daddy?" kunot-noong tanong ni Hian.
Ginulo ko ang buhok niya. Dalawang taon na kaming mag-on ni Adrian. At nalapit na rin ang loob ko sa kanila, ganun din sila sakin.
Gumilid ako ng konti para makita nila ang lapida ng nanay nila. "Binisita namin ang mommy niyo. Hindi ba't 3rd Death Anniversary niya ngayon?"
Nanlaki ang mga mata nilang dalawa. Pinalo ni Erin ang sarili niyang ulo.
"Oo nga pala! Nalimutan ko si Mommy!" sabi ni Erin saka pumikit-pikit.
Ginulo ko din ang buhok ni Erin. Bahagya akong tumawa. "Okay lang yun. Ang mahalaga, nandito ka na para dalawin siya."
"Oo nga. Halikayo, kausapin niyo na ang Mommy niyo." sabi ni Adrian saka sila sinenyasang lumapit.
Agad na lumuhod ang dalawa saka tumungo para makita ang lapida ng mommy nila.
"Hi, Mommy! Kamusta ka na kaya diyan? Ayos ka lang ba? Kasi kami dito, ayos na ayos lang kami. Kasi may bago na kaming Mama at pinagluluto niya kami ng masasarap na pagkain!" sabi ni Hian.
Agad siyang binatukan ni Erin. "Ano ba naman yan! Pagkain lang talaga habol mo!"
BINABASA MO ANG
SWEETHEART 1: A Bestfriend's Disadvantage
Novela Juvenil❌ I'm his rebound, and I wholeheartedly accept it ❌ Everything has its pros and cons. Having a bestfriend also does. Bestfriends set their limitations to each other. No matter how close they are, it will never erase the fact that their relationship...