S4: Different
~Samantha's POV~
"Samantha?"
"Oh, Ian." sagot ko sa tawag. Inipit ko ang phone sa gitna ng balikat at pisngi ko saka tinuloy ang pagpi-prito ng itlog.
"May lakad ka ba ngayong araw?"
Bahagya akong nagulat. Yayayain niya ba akong mag-date? Lalabas ba kami na kaming dalawa lang?
I felt my cheeks heating up at the thought.
"Bakit naman ako tatanungin ng ganyan ng isang Adrian Bartolome?" sagot ko matapos ang mahabang pagtigil ng aking paghinga. Pinatay ko na ang apoy saka nilagay ang itlog sa platong nilagyan ko kanina ng kanin.
"Hmm... Wala lang. Gusto ko lang lumabas. Lagi kasi kaming lumalabas ni Heart dati, eh. So, what do you think? You and I? Let's have a friendly date?"
Halos mabagsak ko ang plato sa narinig. Hindi dahil magde-date kaming dalawa. Kundi dahil tungkol kay Heart.
It feels like I'm being a replacement for Heart's absence.
"Samantha? Nandiyan ka pa ba?"
Bumalik sa huwisyo ang utak ko. "O-Oo. Sige. K-Kailan ba?"
"Hmm..." Tumahimik nang kaunti ang kabilang linya. "How about this evening? Seven sharp?"
Tumango na lamang ako para matapos na ang usapan. "Sure."
"Thank you, Samantha. I'll just come over and pick you up. See you later!" saka niya pinatay ang tawag.
Umupo ako sa upuan nang matapos kumuha ng kutsara't tinidor. Habang kumakain ay bumubuntong hininga ako.
"Sabi naman kasi sayo, Samantha eh. Huwag ka nang umasa kay Ian. Siguro sa ngayon, kailangan ka niya. Pamalit kay Heart. Pero darating ang araw, uuwi si Heart at sila ni Adrian ang magkakatuluyan. At sa araw na iyon, wala ka nang magagawa pa kundi umiyak." sabi ko sa sarili.
I promised Heart to look over Adrian, not to fall in love with him deeply than ever.
<><><><><><><><><><>
Dumating ang seven o' clock at nakarating naman si Adrian sa tamang oras, sakto na katatapos ko lang mag-make up.
I just wore my pink turtle neck tee, my gray long jacket, and my brown jeans. Wala na akong ibang maisuot, eh.
"Samantha!"
Ngumiti ako nang makita ko siya sa labas ng apartment.
BINABASA MO ANG
SWEETHEART 1: A Bestfriend's Disadvantage
Teen Fiction❌ I'm his rebound, and I wholeheartedly accept it ❌ Everything has its pros and cons. Having a bestfriend also does. Bestfriends set their limitations to each other. No matter how close they are, it will never erase the fact that their relationship...