S14: As a Girlfriend

147 5 0
                                    

S4: As a Girlfriend



~Heart's POV~


Napangisi ako nang malaman ang balita.


"Oh, really?" sabi ko.


"100% confirmed, Ma'am." aniya 


"That's good. How much?"


"1,000,000 dollars, Ma'am." saka niya inilahad ang palad.


Umirap ako saka binigay sa kanya ang case. "Here."


Nakita ko ang pagngisi niya. Tumayo lang siya at walang pasabing lumabas.


Inikot ko ang swivel chair.


"Ano kayang pwedeng gawin?" tanong ko sa sarili ko. "Ngayong napaalis at napasuko ko na si Samantha, hmm... What to do next? Get Adrian?"


Tumaas ang sulok ng labi ko. What a good idea!


Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng desk. Habang iniikot pa rin ang swivel chair ay hinanap ko sa contacts ang number ni Adrian.


Nang mahanap ay agad kong pinindot ang CALL button saka ito itinapat sa tenga ko.


This will be great. And I'll have Adrian back in my arms again and me in his heart again in no time.



~Adrian's POV~


"Bartender, limang scotch on the rocks with beer back!" sigaw ko saka yumuko.


Bwiset! Ang tagal!


"Sir, here's your order." sabi niya saka binigay sakin ang order ko.


Mabilis kong ininom yung dalawa. Pero take note, hindi pa ako lasing. Hindi ko nga alam kung bakit, eh.


Naka-tatlong order na ako ng same liquor. Kaso walang epekto sa akin.


Naalala ko na naman si Samantha. Ano ba ang ibig niyang sabihin?!


Ininom ko yung isa ng isang lunukan. Pero wala pa rin akong nararamdaman na signs na lasing na ako.


Hindi ako nahihilo, hindi nanlalabo ang paningin ko, conscious pa rin ako.


Ano ba 'to?


I swayed my hands and body to the loud music. Party, party!


Bahagya akong nagulat nang mag-ring bigla ang phone ko. Nakapikit ko iyong kinuha at sinagot.

SWEETHEART 1: A Bestfriend's DisadvantageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon