S12: Conversation

136 4 0
                                    

S12: Conversation



~Samantha's POV~


Mabilis akong nag-drive papuntang KFC malapit sa company namin. Pinili kong pumunta at sumunod na lang dahil kung hindi, baka mamalayan ko na lang bukas na patay na ako.


Bumuhos ang malakas na ulan habang nagda-drive ako. Traffic ang daan dahil may nagbanggaan daw.


Salamat sa Diyos at nakalusot ako doon. Pagkadating ko sa KFC ay agad na hinanap ng mga mata ko si Heart. Until nakita ko siya sa gilid, nakatingin sa bintana habang sumisipsip ng juice.


Huminga ako ng malalim para mawala ang kaba ko. Bakit nga ba ako kakabahan?


Lumapit ako sa table. Tumingin ako sa reflection niya sa salamin at nakitang nakatingin siya sa akin.


Lumingon siya sa akin na may ngisi sa mukha niya. "You're late, Ms. David."


Uh-oh. Galit nga talaga siya sa akin. Kadalasan kasi ay binabanggit ni Heart ang apelyido ko kapag galit siya sakin, imbes na Samantha.


"Sorry, traffic kasi." sabi ko naman.


Tinuro niya ang katapat na upuan. "Umupo ka na. I saved that seat for you."


Nanginginig akong umupo, katulad ng sinabi niya.


"So," pinagsiklop niya ang dalawang kamay saka ito ipinatong sa mesa. Tumingin siya diretso sa mga mata ko, at nakitang naka-contact lens siya.


Heart, what've happened to you?


"I called you to talk about something important. About my promise and yours."


Nagtaasan bigla ang mga balahibo ko. My conscience is slowly killing me. Everytime na maalala ko yon ay nagi-guilty ako sa ginawa ko.


Na pumayag ako na maging kami ni Adrian.


"We both broke our promises. I broke the promise I'll be back after five years, but I came back early because I've heard you also broke yours. Bakit naging kayo ni Love? Ha?"


Tears started streaming down her face. Gusto ko siyang patahanin. I want to go and end this nonsense conversation.


But I can't. Meron naman akong respeto. Yumuko na lang ako para matago ang kahihiyan sa mukha ko.


"Isang buwan pa lang matapos akong umalis, tapos sinira mo na agad ang pangako mo? O baka naman nalimutan mo. You want me to slap it on your face?" sabi niya saka sarkastikong tumawa.


"Nangako ka na babantayan mo si Adrian, na ilalayo mo siya sa mga babae, na wala siyang magiging karelasyon habang wala ako. Pero hindi ko alam na ang tao kung kanino ko ipinagkatiwala ang mahal ko ay isang ahas! Isang linta! At ikaw yun!"


My blood raised up to my head and later did I knew, my hands already flew across her cheeks.


Naramdaman ko ang pagtingin samin ng lahat ng tao. But I don't care. Hindi naman sila sangkot sa buhay naming dalawa, eh.


Tumawa siya. She looked at me with cold eyes.


"Naging kami ni Adrian, dahil mahal ko siya, mahal naming dalawa ang isa't-isa--"


"Mahal?" She sarcastically laughed for the second time. "Sige, sabihin mo kung kailan ka niya sinabihan ng 'I love you'?"


"Noong umamin siya sa akin, noong paalis na ako papuntang Italy, at noong nasa sasakyan kami."


"Oh, really? Baka naman ayaw niya talagang umalis ka dahil wala na siyang magiging panakip-butas pag nawala ka? At nung nasa sasakyan kayo. Baka naman may kailangan siya sayo. Meron, diba?"


Natigilan ako. Oo, may kailangan siya sakin non. At yun ang... yun ang... katawan ko.


"Natahimik ka? Bakit? Dahil totoo yung sinasabi ko?"


"Bakit mo ba talaga ako pinapunta dito? Anong motibo mo?" Lumuluha nang sabi ko. Pinipilit kong magboses matapang pa rin. Naramdaman ko ang pag-video sakin ng mga tao sa paligid.


"Nalimutan ko, eh. Wait, aalahanin ko muna." Tumingin siya sa kisame saka nilagay ang hintuturo sa baba niya.


"Ayun, naalala ko na!" sabi niya saka itinaas ang hintuturo. "Para ipamukha sayo na walang kayo ni Adrian! Na isa ka lang rebound! Akin lang si Adrian! Isa kang taksil!"


I clenched my fist to prevent myself from hurting her. Instead, umalis na lang ako ng KFC. Bwiset at naiwan ko ang payong ko sa loob ng restaurant. Eh, nakakahiya namang bumalik kaya nagdire-diretso na lang ako. Bahala na yung malakas na ulan na yan!


Basang-basa akong pumasok sa sasakyan. Sumubsob ako sa manibela. Pumasok sa isip ko lahat ng sinabi ni Heart.


Yes, I'm a rebound.


Humagulgol ako ng iyak saka naiinis na pinalo ang busina.


I'm mad. I'm mad at myself. Bakit ba sa sobrang katangahan ko, eh nalimutan ko si Heart. I broke her trust. Now I also broke the trust I have in myself. Dahil sa sobrang kadesperadahan ko, hinayaan kong maging kami ni Adrian na hindi iniisip si Heart!


I hate myself--no--I hate what I did.


Siguro nga tama si Heart. Isa lang talaga akong rebound. Hindi ko alam kung bakit nung una, natuwa pa ako. Pero ngayon, ngayong narinig ko ang saloobin ni Heart, nalungkot ako, nagalit ako sa sarili ko.


Tama na 'tong katangahang 'to.


Tumingala ako para patilain ang luha ko. Pinahiran ko ang basa kong pisngi. Pinatuyo ko ang katawan kong basa gamit ang facetowel sa likod. Nagpalit na din ako ng damit.


Tumingin ako sa dala kong bag. Laman nun ang halos tatlong pares kong damit at konting pera.


I already made my mind. Nag-drive ako paalis doon at pumunta sa lugar kung saan ako sumuko kay Adrian.

SWEETHEART 1: A Bestfriend's DisadvantageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon