S13: I'm Free
[SHORT UPDATE]
~Adrian's POV~
Kumatok ulit ako sa pintuan ng apartment ni Sam, pero wala pa ring nagbubukas ng pintuan.
Baka naman tulog pa yun?
Tumingin ako sa orasan ko. It's 5' in the morning. Imposibleng tulog pa siya. 6' siya pumapasok sa trabaho niya, eh.
Umupo ako sa hagdan saka naghintay. Baka mamaya-maya ay lumabas na yun.
Patingin-tingin ako sa relo ko. Hanggang sa umabot na ng 6' ay hindi pa rin siya lumalabas.
I bet there's something happening here.
Tumayo ako at akmang bubuksan na ang pintuan nang biglang mag-ring ang phone ko.
Sinagot ko ang tawag habang nakatingin pa rin sa pintuan at inaabangang bumukas iyon.
"Hello?"
"Adrian! Where are you?"
Nanlaki ang mga mata ko. Si Mr. Arnold!
"M-Mr. Arnold! Ba't kayo napatawag?" ninenerbyos kong sabi.
"Don't ask me as if you don't know." tila striktong sabi nito.
Pinilit kong inalala. Hmm... Meron bang mahalagang event ngayon? May darating na bigtime client?
"Oh! So, you forgot about it then, huh? Let me remind you. There's this special meeting involving you and our investors!"
Nilayo ko ang phone sa tenga ko nang sumigaw si Mr. Arnold.
Uh-oh.
"O-Of course, I didn't forget about t-that, Mr. Arnold! S-Sa katunayan ay o-on the way na po ako!" pinilit kong magboses masigla.
I can imagine his stern face. "Oh, yeah? So, I expect you'll be here in ten minutes. Or else, you're fired!" saka niya in-end ang call.
Napangisi ako. Fired? How can I be fired if I'm the owner of my company?
Pero mabilis na nawala ang ngisi sa mukha ko nang maalala ang meeting with the investors.
Shoot! Why did I even hire Mr. Arnold as my secretary? Sa susunod pala ay mas bata sa akin ang iha-hire ko para may matanggap naman akong konting respeto.
Nagmamadali akong bumaba at sumakay ng kotse. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan papunta sa company.
BINABASA MO ANG
SWEETHEART 1: A Bestfriend's Disadvantage
Teen Fiction❌ I'm his rebound, and I wholeheartedly accept it ❌ Everything has its pros and cons. Having a bestfriend also does. Bestfriends set their limitations to each other. No matter how close they are, it will never erase the fact that their relationship...