S11: Midnight Call

133 6 0
                                    

S11: Midnight Call

[SHORT UPDATE]



~Samantha's POV~


Hindi ako makatulog noong gabing iyon. Pagkasabi nun ay umalis na din naman agad si Heart. Napansin kong tulala si Adrian the whole ride.


Don't tell me na bumalik ang feelings ni Adrian kay Heart?


Pinalo ko ng unan ang ulo ko.


"Stop it! Stop it! Stop it!" sigaw ko sa sarili.


Napagdesisyunan kong tawagan si Wendy. She's the only girl that can understand me.


Pagkatapos ng dalawang ring ay sumagot siya.


"Sam, bakit?"


"Wendy, nasaan ka ngayon?"


"Nasa bahay. Nag-iimpake."


Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang marinig ang sinabi niya. "Nag-iimpake?"


"Yup! Punta akong States mamayang hatinggabi, eh."


Nagtaka ako. Wala naman siyang nasabi na ganun noong mga nakaraang araw.


"Bakit ka naman pupunta ng States?"


"My twin sister. Remember?"


Oh... Now I remember. Her sister has a heart cancer. Kaya, doble-kayod siya sa buhay para makatulong din sa mga parents niya na kapwang nasa US.


"Kamusta na nga pala siya?"


Bumuntong-hininga siya sa kabilang linya. "Well, she's doing fine. Walang mag-aalaga sa kanya ngayong buwan kaya ako muna. Don't worry, I'll be back kapag ikakasal na kayo ni Adrian."


Napabuntong-hininga ako. "That's why I call you. Merong complications."


"Huh?" I can sense her eyebrows raising.


"She's back." Kahit dalawang salita lang yon, kahit she ang ginamit ko, alam kong alam na niya ang gusto kong sabihin.


"Ohh... So, she's back then. Nasan na ang lugar mo niyan, Sam?"


"Lugar?"


"You know, ginamit ka lang ni Adrian noong mga oras na wala si Heart. Hindi ka ba nagtataka na pagka-break na pagka-break nila ni Heart ay agad siyang naging super duper hyper close sayo?"


That made me think. Oo nga, noh.


"Your point is?"


"You look like a rebound, ngayong bumalik na si Heart."


Bumuntong-hininga ako. Matagal ko nang alam yan. Mahal ko siya. Kahit anong papel ang makuha ko sa buhay niya basta makasama ko lang siya. Maging kabit ako, o pleasure girl niya, okay lang.


"And I wholeheartedly accept it."


She chuckled on the other line. "Martyr ka talaga, Sam. I'm proud of you."


Nagkwentuhan kami noong gabing iyon. Unti-unting gumaan ang loob ko at nawala ang mga problema ko. I just found the right person to breathe to.


At hindi ko yon natagpuan kay Adrian.


<><><><><><><><><><>


Sinamahan ko si Wendy pagsapit ng hatinggabi sa airport. Nang paakyat na siya ng eroplano ay nagpaalam na ako sa kanya.


"Wen..." Niyakap ko siya ng mahigpit. "I will miss you..."


Niyakap niya din ako. "Mami-miss din kita." Humiwalay siya sa yakap. "Basta tandaan mo. Kung hindi mo na kaya, kung masyado ka nang nasasaktan, mas sundin mo ito," tinuro niya ang sentido ko. "kesa dito." saka niya tinuro ang dibdib ko kung nasan ang puso ko.


"Feel free to call me anytime, Samantha. Bye." dugtong niya saka tuluyan nang umakyat.


Lumayo ako. Pumasok ako sa loob ng airport. I watched how the plane moved fast, gaining its momentum, until it reached the sky.


Kumaway ako, kahit alam kong hindi ako makikita ni Wendy.


Someone came back and someone left.


Kung minamalas nga naman ang buhay ko.


Pumara ako ng taxi. Binigay ko ang address ko dahil gusto ko nang umuwi. Masyado pang maaga para pumasok.


Nagbayad lang ako kay kuya driver saka ako pumasok ng apartment. Pagkapasok ay agad kong tinanggal ang sapatos ko saka humiga sa kama.


Ipinikit ko ang mga mata ko. Matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko.


Kinapa ko ito sa bulsa ko. Nakapikit kong sinagot ang tawag. An unusual midnight call.


"Hello?"


"Let's talk. KFC near your office's building. One o' clock sharp." And the call ended.


Saka lang nagsink-in sakin ang boses ng nagsalita. Her voice was cold.


It's Heart.

SWEETHEART 1: A Bestfriend's DisadvantageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon