S17: Accepted

143 3 0
                                    

S17: Accepted



~Third Person's POV~

After 1 week


"Samantha?"


Napalingon si Samantha sa tumawag sa kaniya. Tinigil niya panandalian ang pagsasaayos ng kanyang mga gamit sa sariling table.


"Perché?" sagot niya sa Pinay na si Roxanne, ang secratary ng Bianchi CEO.


[Translation: Why?]


Tumatawa itong lumapit sa kanya. "Huwag mo akong kausapin ng Italian kapag tayong dalawa lang. Kitang nag-aaral pa lang ako, eh."


Tumawa si Samantha. "Okay, okay. Bakit ka nga pala nandito?"


"Gusto ka kasing makita ng Board of Trustees. May sasabihin daw na importante."


Nanlaki ang mga mata niya at nagtaasaan ang mga balahibo. She composed herself after a few seconds and she fixed her eyeglasses.


Yes. Meron na siyang salamin. Meron na din siyang bangs na bumagay naman sa kaniya. Nagpakulay siya ng chestnut saka ito pinakulot.


"Really?"


"Yep. They're waiting actually for you in the conference hall."


Nanlaki ulit ang mga mata niya. "Okay, okay. Grazie!" sabi niya saka nagmamadaling tumakbo. Agad siyang sumakay ng elevator saka pinindot ang 7th floor. Nasa 3rd floor pa lang kasi siya.


[Translation: Okay, okay. Thank you!]


Nang tumunog ang elevator ay agad siyang lumabas. Tumakbo siya hanggang sa marating niya ang conference hall.


Hingal na hingal siya. Inayos niya muna ang suot na sweatshirt saka inayos ang pagkakahawi ng buhok. Nilabas niya ang foundation saka tumingin sa salamin nito.


She's all set.


Kumatok siya ng dalawang beses bago binuksan ang naka-unlock na pintuan.


Bumungad sa kanya ang mga upuang okupado ng Board of Trustees. Nag-uusap sila ng mahina at tila seryoso ang mga ito.


Nakaramdam tuloy siya bigla ng kaba. Sesesantihin na ba siya ng mga ito?


"Uh, good morning." sabi niya saka bahagyang sinara ang pintuan nang makapasok na siya sa loob. Pumwesto siya sa harap nila.


"Oh, there you are. Ad ogni modo, ti abbiamo chiamato per dire qualcosa di molto importante. We've all approved your presentation. And yes, we like it." ani CEO.

SWEETHEART 1: A Bestfriend's DisadvantageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon